ANG COLLAB TUNGO SA PAG-ASENSO

“It is literally true that you can succeed best and quickest by helping others to succeed.” – Napolean Hill

 

LAGI naming sinasabi na gusto naming makatulong sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng makabuluhang impormasyon partikular na sa kaalamang pinansyal, eksklusibo at naaayong mga kuwento para sa mga “working class”, kapamilya ng mga Overseas Filipino Workers (OFW), at sa lahat ng kababayan natin.

 

Sa abot ng aming makakaya, katuwang ang maraming organisadong sector at mga ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa ating mga kababayan para maiangat ang antas ng pamumuhay.

 

Isa rin sa madalas naming binibigyan ng espasyo ay ang mga maliliit nating negosyante at ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) na itinuturing nating “backbone of the economy” dahil sa kanilang hindi matatawarang ambag sa ekonomiya ng bansa.

 

Sa paksang ito, “Ang Collab Tungo sa Pag-Asenso” na tema sa ika-samung taong anibersaryo ng PILIPINO Mirror – Ang Unang Tabloid sa Negosyo ay isang natatanging pagkilala sa ating mga kababayang nasa MSME dahil sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon, patuloy na pag-usbong sa makabagong panahon at pakikipag-kolaborasyon sa iba’t ibang sector o indibidwal kaya nagiging mas epektibo ang isang proyekto o negosyo.

 

ANG COLLAB TUNGO SA PAG-ASENSO KASAMA ANG “BISYONG PAGNENEGOSYO”

Ang “Bisyong Pagnenegosyo Webinar” ay inorganisa ng BVG Foundation, Inc. sa pangunguna ni Dr. Benjamin V. Ganapin, Jr.  – isang non-profit organization na tumutulong sa pagsuporta, pag-assist, pagtuturo ng mga kaalamang pang negosyo – pumipili sila dito ng mga mabibigyan ng puhunan sa parang sinimulang maliit na negosyo.

 

Sa kanilang paraan ng pagtulong, bukod sa pagbibigay payo at kaalaman sa negosyo, ay mayroong katuwang na tinatawag na “big heart investor” – isang indibidwal, grupo o organisasyon – kung saan manggagaling ang tulong na puhunan.

 

Narito ang kuwento ng ilan sa mga nabigyan ng puhunan para makapagsimula ng kanilang negosyo.

 

ANGEL’S SWEET DELIGHTS

Hindi alam ni Alelhyn S. Banaag kung paano magsimula ng isang negosyo. kuwento niya, wala siyang alam sa pagdating sa kusina pero mahilig umano sa sa “sweets” kagaya ng chocolates, ckaes at mga dessert.

 

“Mahilig akong gumawa ng desserts pero nung una, hindi naisip na gawing negosyo. Until one day, may isang co-parent akong nagsabi, bakit daw hindi ko gawing business since masasarap naman daw ang mga ginagawa ko?”

 

“Nagsimula ako sa paggawa ng graham balls, ref cakes and floats. Mabenta naman lalo pa at may mga nagrereseller din sa akin. Kaso, limitado lang mga kakilala ko dito sa lugar namin kasi ilang taon pa lamang kaming residente ng Antipolo City. Isa pa, hindi ako sanay nang nangangapitbahay kaya until now, wala talaga ako masyadong kakilala,” ani Alelhyn.

 

Noong nagsimula ang Covid-19 pandemic, naging daan ito para kay Alelhyn ng iba’t ibang klase ng cake sa tulong ng YouTube hanggang sa nagkakaroon siya ng mga order mula sa mga co-parent para sa birthday ng mga nila. Dahil ditto, nagsimula siyang hasain ang kaniyang kaalaman sa pagagamitan ng paggawa ng “steamed cakes in tub” gamit ang steamer.

 

Dito umano nagsimula ang kaniyang small business at pinangalanan itong Angel’s Sweet Delights. Kasunod na nito ang paggawa ng Facebook Page para mas marami pang customer ang makilala at umorder sa kaniya online.

“Sa mga gustong umorder ng products ng Angel’s Sweet Delights, maaari kayong magvisit at mag-message sa FB Page namin or itext at tawagan ninyo ako sa numerong 09197383783.”

 

“Muli po akong nagpapasalamat sa BVG Foundation at sa mga donors. Nawa marami pa kayong matulungan na katulad ko. God bless po sa inyo!”

 

THE SUSHI BAKED SPOT / GOD’S GRACE PH

Isa rin si Laarni Aquino ang nabigyan ng pagkakataon ng BVG Foundation para makapagsimula ng kaniyang negosyo. Nag-alangan pa umano sa simula na sumali sa Bisyong Pagnenegosyo pero nung nagkaroon umano ng 2nd batch ang webinar, dito na siya naglakas-loob na sumali at nakakuha ng mga kaalaman.

 

Subalit sa hindi inaasahang pangyayari, hindi umano siya nakadalo para matanggap ang puhunan mula sa pagkakapili ng big heart investor at BVG Foundation.

 

Sa 3rd batch ng webinar, muli siyang nabigyan ng pagkakataon kaya labis ang kaniyang pasasalamat sa Diyos at at sa big heart investor. Ditto na rin nagsimula ang ang kaniyang online selling na God’s Grace Ph.

 

Bisitahin lang ang  GODS GRACE PH https://www.facebook.com/laarni7815aquino/ https://www.facebook.com/thesushibakedspot

For Order and Inquiries: contact Laarni Aquino 09167351241

 

JUNIOR STYLIST CUM SALON (small business) OWNER

Nakapagbukas ng maliit na salon si Luzviminda Badillo dahil sa tulong ng big heart investor at BVG Foundation nang mawalan ng hanapbuhay dahil Covid-19 pandemic.

 

“Nagumpisa po ako sa maliit lang na halaga. At sa tulong po ng BVG Foundation nang sumali ako sa bisyong pagnenegosyo,  nadagdagan po ang aking puhunan at marami din akong akong natutunan kung paano patakbuhin ang isang business. Pangarap ko pong maging successful ang aking negosyo para makatulong din po ako sa mga kagaya ko na nangangailangan,” pahayag ni Luzviminda.

 

KASAMBAHAY, RICE SELLER AT IBA PA…

Sipag at tiyaga ang puhunan ni Maricar Crisostomo para maitaguyod ang kaniyang pangarap na magkaroon ng tindahan ng bigas habang patuloy pa rin siya sa pamamasukan.

 

Dahil na rin sa tulong ng big heart investor at BVG Foundation, naisakatuparan ang kaniyang pangarap na magkaroon ng maliit na puhunan para makapagtinda ng bigas at iba pa sa kanilang tahanan.

 

“Sa ngayon po ay patuloy ako sa aking pagnenegosyo habang patuloy pa rin sa pagkakasambahay. Nagtitinda pa rin ako ng bigas sa aming tahanan habang ako ay namamasukan. Ang aking anak na naiiwan sa bahay ang nagbebenta at pinagkakatiwalaan. Bukod sa bigas, may iba rin po akong paninda at gumagawa din ako ng lumpiang shanghai, nagluluto ng kakanin at kahit ano pa na puwedeng ibenta sa araw kapag rest day ko,” ayon kay Maricar.

PAPANON’S STORE

Nang magsara ang pinapasukang kompanya ng kaniyang asawa dahil sa pandemic, naisipan ni Reshel Guimba aat ng kaniyang mister na magtayo na lamang negosyo.

 

Sa una, burgeran ang kanilang naisip na itayo dahil wala pa umano nagtitinda nito sa kanilang lugar. Para makakuha ng dagdag kaalaman sa pagnenegosyo, sumali sila webinar ng Bisyong Pagnenegosyo at napiling mabigyan ng puhunan kaya nakapagtayo rin sila ng Sari-Sari Store na pinangalang nang PAPANON’s Store.

 

Tulad ng marami, pangarap nilang maging matagumpay ang kanilang maliit na negosyo.

 

CANTEEN AT SARI-SARI STORE

Dahil sa mayroong siyang pinag-aaral na anak kaya naisipan niyang magnegosyo sa halip na mamasukan lamang.

 

Canteen at Sari-Sari Store ang naisipang negosyo ni Marivic Dela Cruz dahi batid niyang kailangan ito sa kanilang lugar lalo pa’t na tapat ito ng isang ospital.

 

“Struggle is real” sa umpisa ng kaniyang negosyo dahil hindi umano siya sanay sa pagluluto subalit dahil sa pagsisikap, nasanay na rin ito at nagugustuhan na ng kaniyang mga customer katuwang ang kaniyang mister.

 

Nang mabigyan sila ng dagdag-puhunan mula sa BVG Foundation, nadagdagan adin ang kanilang mga putahe na inihahain kaya labis ang kanilang pasasalamat kina Dr. Benjie Ganapin, Jr at sa big heart investors.

MARINATED AT BREADED CHICKEN

Marinated at breaded chicken ang pinasok na negosyo ni Chistian Nolasco.

 

Isa rin si Christian sa nawalan ng trabaho nang magsimula ang pandemic kaya nabalikan niya ang hilig sa negosyong pagkain dahil batid niyang ito ang pinaka kailangan ng mga tao.

 

Subalit kinapos siya sa puhunan at nang malaman ito ni Doc Benjie, na kaklase niya nung elementary, at dahil batid nito ang kalagayan, inimbitahan siyang manood at pag-aralan ang webinar. Dahil na rin Bisyong Pagnenegosyo, nabigyan siya puhunan at ini-apply na rin ang kaniyang natutunan sa pagnenegosyo.

 

Simula noon, nakapagpundar na siya ng ilang kagamitan at nakapagdagdag din ng ibang produktong paninada tulad ng Batangas Premium Longanisa.

 

Ayon pa kay Christian, “Smooth sailing” na sa ngayon ang kaniyang negosyo at nag-iisip na siya ng iba pang puwedeng itinda.

 

Aniya pa, nagpapasalamat siya Panginoon at sa kaniyang natutunan sa webinar.

Ilan lamang ito sa aming itinatampok sa araw-araw para na nawa ay magsilbing inspirasyon sa ating mga kababayan. Nariyan din siyempre ang mga kilala “influencers” na hindi lamang nagbibigay kasiyahan ay dulot ng kanilang video sa social media tulad ng Team Payaman ni CongTV dahil bukod sa kanilang mga nakaaaliw na content, abala din sila sa kani-kanilang mga negosyo.

Karamihan din sa mga kilalang celebrities ay mayroon din investments na madalas ding naitatampok dito sa PILIPINO Mirror.

Kami po ay laging bukas ang pintuan para sa KOLABORASYON TUNGO SA PAG-ASENSO.

-Cris Galit