Ang ganda ng ating bansa… Tunay na katutuwa.
Pasyalan ang mga lalawigan na may angking Biyaya.
Hindi lang ang Boracay ang pinagpala…
Bayan ng Mariveles…tunay na nakamamangha!
Sa lalawigan ng Bataan… Pilar na bayan…
Naging kanlungan ng mga bayani na sa
Dayuhang mananakop…nakipaglaban!
Bantayog na Krus ng kagitingan…
Ipinatayong parangal ni Pangulong Ferdinand.
Ilang kilometro lamang Ang agwat sa ‘di kalayuan…
Makararating na sa Mariveles, Bataan.
Paraiso pala ito na lihim lamang…
Hindi ipinamamarali upang hindi malapastangan.
Sa likas na dibuho ng mga dambuhalang Bato…
Mga yungib o kuweba na bahay ermitanyo…
Kay sarap mamahinga…malamig na totoo…
Huni ng mga Ibon at hampas ng Alon ang maririnig mo.
Kaya Pala ganoon na lamang…
Si KaTunying Santos maglibang
Dito sa Mariveles, Bataan…
Paraiso ay matatagpuan.
Kaya nga inyo ring pasyalan…
Mga problema ay malilimutan
(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ882 am Radio)
Comments are closed.