ANG HUNYO AY PARA KAY INANG KALIKASAN

(Pagpapatuloy…)
Ang magkakamag-anak, magkakaibigan, o magkakasama sa trabaho ay pwedeng mag-bonding sa mga beach clean-up events, snorkeling o diving trips, o pamamasyal sa mga local aquariums, sa mga lawa, ilog, o dagat upang makita ang mga kahanga-hangang nilalang na naririhan sa tubig.

Ang ganitong uri ng mga aktibidad ay nakakatulong upang lalong mapalalim ang ating pagmamahal sa karagatan at mag-udyok sa atin na yakapin ang habambuhay na pangakong pangangalagaan natin ang kalikasan.

Sa Hunyo 22 naman ay ipagdiriwang natin ang World Rainforest Day, isang paalala tungkol sa kahalagahan ng mga rainforest at mga kagubatan sa biodiversity ng mundo. Ang mga rainforest na ito ay madalas tawaging baga (lungs) ng mundo, sapagkat sila ay gumagawa ng oxygen at sumisipsip ng carbon dioxide, kaya’t napakahalaga ng kanilang papel sa pagbabago ng klima ng daigdig.

At muli, maaaring makiisa ang lahat sa pagdiriwang ng araw na ito sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol sa iba’t ibang uri ng buhay (species) sa ating mga rainforest, kabilang na ang mga matatandang puno sa ating sariling mga kagubatan.

Ang mga pagdiriwang at kaganapang nabanggit ay hindi lamang pagkakataon upang tayo ay magsaya habang wala pa tayo sa kasagsagan ng tag-ulan. Nagsisilbi rin bilang magagandang oportunidad ang mga ito upang paigtingin ang kamalayang pangkapaligiran at palalimin pa ating responsibilidad kay Inang Kalikasan.

Maaari nating gawin ang buwan ng Hunyo na panahon ng pag-aaral at pagmamahal sa kalikasan.

Nararapat lamang na ang ating mga anak — ang mga tunay na tagapagmana ng lahat ng ating mga pagsisikap — ay mahikayat at makaunawa upang kanilang pahalagahan ang natural na mundo. Importante ito sa kanilang pagbuo ng pangmatagalang pagpapahalaga sa kalikasan at pangako sa pangangalaga nito.