ANG KAHALAGAHAN NG RESKILLING

ANG Artificial Intelligence (AI) ay hindi na isang malayong pangarap; nararamdaman na natin ang epekto nito sa ating pang-araw-araw na buhay, pati na rin sa larangan ng paggawa. Ang malalim na implikasyon ng AI revolution ay nangangailangan ng isang pinag-isipan at aktibong tugon mula sa mga kumpanya at mga organisasyon. Sa iba’t-ibang bahagi ng mundo, may mga pangunahing inisyatiba na nagbibigay daan para sa mga mas maalam at handang manggagawa.

Halimbawa, napaka-importante ng reskilling. Alam na nating ang pagyakap sa AI at sa automation ay kailangan upang baguhin ang hanggang 40% ng puwersang manggagawa—ito ay maaaring mababa pa nga. Dapat lamang na bigyang pansin ng mga pinuno o lider ng mga kumpanya ang teknikal na kasanayan, kasabay ng iba pang mahahalagang kasanayan ng tao tulad ng pamumuno, pagiging interesado sa kaalaman, at ang kakayahang makibagay. Mahalaga na tingnan natin ang reskilling hindi lamang bilang isang training exercise, kundi bilang isang malalim na pagbabago sa isang organisasyon.

Ang reskilling ay sumasakop sa labas ng mga tradisyonal na paraan ng pagsasanay. Ang mga online learning platforms na pinapagana ng AI ay naging mahalaga na rin sa pagpapabilis ng transpormasyong ito. Ang pagdami ng mga available na plataporma ng pag-aaral o pagkatuto ay itinuturing na isang pagkakataon upang ma-empower ang tao at mawasak ang mga hadlang tungo sa pagtamo ng kalidad na edukasyon.

Kung ang kultura ng organisasyon naman ang pag-uusapan, napaka-importanteng itaguyod at suportahan natin yaong mga nagsusulong ng patuloy na pag-aaral at kumikilala sa reskilling bilang isang prosesong tuloy-tuloy at hindi isang one-time event lamang.
(Itutuloy…)