(ni ANA ROSARIO HERNANDEZ / Mga Kuha ni NONIE REYES)
ITINUTURING man na isa sa pinakamatandang pagamutan sa bansa, ang Philippine General Hospital (PGH) ay hindi naman pahuhuli at sa halip ay nangunguna pa nga sa pagbibigay ng makabago at modernong serbisyong medikal sa Filipinas.
Ayon kay Dr. Gerardo ‘Gap’ D. Legaspi, ang kasalukuyang direktor ng PGH, ipagdiriwang nila ngayong ikatlong linggo ng Agosto ang ika-112 taong pagkakatatag ng PGH, matapos na maisabatas ang Com-monwealth Act noong 1907.
Ipinagmalaki ni Legaspi na bagama’t nang buksan ang PGH noong Setyembre 1, 1910 ay mayroon lamang itong 425 beds, itinuturing na ito ngayon na pinakamalaking pagamutan sa bansa dahil mayroon na itong 1,334 bed capacity.
Mula, aniya, sa kakulangan ng pondo, mga doktor at mga gamit ay unti-unti nang nagiging makabago ang PGH at ngayon ay nangunguna pa sa pagsasagawa ng iba’t ibang makabagong medical procedures.
“Dati we sutured with our bare hands… isa-isa, kasi hintayan, walang sterilization, ibabad lang sa solu-tion, walang gloves, and patients have to buy a lot of their own medicine,” ani Legaspi sa panayam ng PILIPINO Mirror.
Ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti aniyang nagkaroon ng magandang pagbabago hanggang sa manguna pa ngayon ang PGH sa larangan ng medisina at madaig ang ilang mga kilala at naglalakihan din namang mga pagamutan sa bansa.
“Through the years the economy has gone better and more attention were given to health not only PGH but the whole health sector but of course, PGH has always special attention, because its under UP (University of the Philippines),” aniya.
Marami aniyang procedures na nagsimula sa PGH, na ang pangunahing tungkulin ay magbigay ng ser-bisyo, magsanay ng mga doktor at magsaliksik.
Taong 2001 nang i-redefine ang pangunahing gampanin ng PGH na pagbibigay ng serbisyo sa tao, na siya namang pangunahing papel ng bawat pagamutan.
Gayunman, unique pa rin, aniya, ang PGH dahil sa kabila ng pagbibigay ng serbisyo ay nagkakaloob pa rin sila ng kaparehong atensiyon sa kanilang training at research.
“But when you make your plan, service is the pivot of your plan,” sabi pa niya.
Kung dati, aniya, ay hirap sila sa pondo dahil kinukuha pa nila ang kanilang alokasyon mula sa UP sys-tem, ngayon ay mayroon na silang sariling pondo dahil pinayagan na silang ihiwalay ang kanilang pon-do at kita mula sa UP Manila.
“The government decreed that we can use our income. It has a big impact on health,” dagdag pa ni Legaspi.
Isa pa, aniya, sa nakatulong sa kanila ang Philippine Health Insurance (PhilHealth) na siyang game changer sa lahat ng pagamutan.
“Then there’s the PhilHealth, the game changer for all of us who managed hospitals. Dati kapag du-mating ang pasyente, ‘yung medicare ang konti lang ng sagot nila, you have to buy and pay for it. ‘Pag wala kang pera, wala kang medicare, wala kang coverage. So, ‘pag dumating ang patient sa ER (emer-gency room), hahanap kami kung ano lang mahanap namin, sa ward, kaya ang mga residente ng PGH ay notoryus ‘yan to finish all their salaries for their patients, kasi ibibili nila ng gamot, ipapa-CT scan nila, ilalagay nila sa respirator,” aniya.
“When PhilHealth came, with the goal of Universal Health Care, ang daming nakober, ang pinakaim-portante, ay nakober ang poorest of the poor na 20% of the population, and that’s 90% of our patients in PGH.”
Sa ilalim ng PhilHealth, ayon pa kay Legaspi, ay awtomatikong nairerehistro ang mga poorest of the poor kahit wala silang pera. Ang pagamutan ang nagbabayad ng premium, na maituturing namang rasonable. “It’s reasonable for the hospital, kasi P2,400 ang ibabayad mo, if you average all the pa-tients na walang pera, binayad mo ng P2,400, ire-reimburse ka ng PhilHealth for the services that you gave, lamang ka pa ng mga P7,000 after averaging all. So it made sense to register everyone.”
Nakatulong din umano sa kanilang mga gastusin para sa kanilang mga mahihirap na pasyente ang Sin Tax law, PCSO, PAGCOR, DSWD, DOH, Office of the President, mga donasyon mula sa mga pribadong indibidwal at ang kanilang sariling kita.
“So now today, it’s possible for a patient to go home without paying even a single centavo. Let’s say, P300,000 ang bill niya. Lahat ‘yun sasagutin namin,” sabi pa niya, “pero sa mga paying patient, after ng PhilHealth, lahat ng sobra ay babayaran nila.”
Sinabi ni Legaspi na ngayong may maganda nang development sa pondo ng PGH ay sinisimulan naman nilang i-level up ang kanilang mga serbisyo.
“So that’s the current health picture that we’re working now, and we’re happy with the development and I think it’s now important for us to deliver the services that’s why we’re leveling up PGH because were expected to be, since were a university hospital, the sciences developed in universities and in UP, we have that obligation to build a cutting edge kahit na government hospital. Usually ang cutting edge private, ‘di ba, pero now I think it’s possible. Kasi kumikita ang hospital, e.”
Isa sa mga ipinagmalaki ni Legaspi na pagbabago ay ang kanilang emergency room (ER) na tinitiyak ni-yang magiging pinakamagandang emergency room sa buong bansa sa sandaling mabuksan na ito sa publiko sa susunod na taon.
Kasalukuyang sarado ang ER ng PGH dahil isinasailalim ito sa renobasyon upang gawing mas malaki at mas makabago.
“It will be the most beautiful emergency room in the Philippines. I promise you that,” aniya.
Nabatid na Hunyo 1 nang isara ang ER ng PGH upang isailalim sa renobasyon, na target sana nilang mat-apos sa Setyembre, ngunit naantala ito ng limang buwan, kaya posibleng sa Pebrero 2020 ay maisa-gawa ang turnover nito, at tumanggap ng unang pasyente sa Abril 2020.
Aniya, nang simulan na ng DOH at mga lokal na pamahalaan na ipaayos ang mga public hospital sa bansa, napag-iwanan ang PGH kaya dito na sila nagpasiyang simulan ang kanilang infrastructure devel-opment program.
“Magandang tingnan (ang mga pagamutan na naayos), kami, naiwan. So when we realized that, maga-ganda na ang ibang hospitals, we started having infrastructure development program, kasi nga Phil-health took care of the needs of the patients, the P3B from Sin Tax took care of our equipment needs… so the next phase was to develop the infrastructure of PGH to be responsive to patients.”
“Ang ward ng PGH, idinesign ng tig-36 (beds) lang. 60 ang laman niya ngayon. That’s why you can imag-ine how much contamination happened. Kaya we have to do something about that. Walang lugar na puwedeng mag-relax kaya were focusing on that.”
“The overall cleanliness has to be improved, the overall atmosphere, the ambiance has to be healing, because there are studies that show that people act according to environment. So we have direct that on 2 principles. One, historical Restoration and modernization ng four historical sites of PGH. Ang main building, dorm 1, old nurses home, where only Americans are allowed to live before, the new nurses home built in 1938 para sa Filipino nurses, and then the cancer institute,” aniya.
Ang dorm 1 ay plano, aniya, nilang i-repurpose at bukod sa pagiging female residence ay gagawin din nila itong ‘happy house’ para sa mga pasyente na mula sa malalayong lugar at hindi pa makakauwi sa kanilang mga probinsiya upang hindi na matulog ang mga ito sa bangketa.
Bubuuin ito ng may 35 kama at patatakbuhin ng PGH chaplaincy. Nakipag-tie up na rin, aniya, sila sa Archdiocese of Manila upang makasama sa feeding program nila ang mga pamilya ng mga pasyenteng tumutuloy roon, sa pangunguna ni Father Clemente Ignacio ng Quiapo Church.
Maging ang Intensive Care Unit (ICU) ay isinasaayos din ng PGH. Isa sa mga prayoridad nila ay ang malagyan ng maraming lababo para sa paghuhugas ng kamay.
Ipaprayoridad din nila ang nursery at neonatal ICU, partikular ang kakayahan nitong magkontrol ng impeksiyon.
Aniya, dahil sa crowded, minsan ay isang sanggol kada araw ang namamatay roon kaya kailangang ma-kontrol itong lahat.
Samantala, nabatid na nito lamang Pebrero 18, 2019 ay binuksan na rin ng PGH ang kauna-unahang Cancer-Phenome Biobank sa bansa, na matatagpuan sa PGH Science Complex.
Ang Cancer-Phenome Biobanking System at Biomonitoring Program o UP-PGH Biobank ay naglalayong makapagbigay ng de kalidad at standardized na koleksiyon at storage ng biospecimens na gagamitin sa biomedical researches para sa advancement ng precision medicine.
Sa pamamagitan nito ay makapagsasagawa na ang UP at iba pang unibersidad sa bansa ng ‘high level research’ para sa gamot sa cancer, na isa sa top three killer diseases sa bansa.
Ang Biobank project ay joint initiative ng UP at ng University of California-San Francisco (UCSF), at pi-nondohan ng CHED Philippine-California Advanced Research Institutes (PCARI) sa pamamagitan ng In-stitute for Health Innovation and Translational Medicine (IHITM).
Ipinagmalaki rin ni Legaspi ang kanilang Center for Children with Disability one-stop shop, na kauna-unahan din, aniya, sa bansa.
“Nandoon ang developmental pediatrician, rehabilitation med doctor, orthopedic surgeon, eye doctor, ear doctor, at saka ang prosthesis maker. It’s a one-stop shop. It’s called the Center for Children with disability one-stop shop, it’s the first one in the country.”
“’Pag nag-walk-in ka, ‘di ka na kailangang lumipat ng ibang lugar. Kasi karamihan naman ng mga disa-bled sa pag-iisip, may disability rin sa walking, marami ‘yun, or sa hearing. Kasama ‘yun,” aniya.
Nagpasalamat naman si Legaspi kay PhilHealth President BGen. Ric Morales dahil kamakailan lamang ay pumirma sila ng kontrata para ma-cover ng PhilHealth reimbursement ang mga aktibidad ng naturang center.
“Under ng MOA (memorandum of agreement) with the PhilHealth, babayaran nila ‘yung wheelchair, prosthesis, evaluation, gamot na intervention, may package. It’s really encouraging kasi ni-recognize ng PhilHealth ‘yung effort and it’s an effort of many group. PhilHealth, PGH, Physicians for Peace, UNICEF at Lego. And the design was really parang wala ka talaga sa PGH. It’s child friendly, and condu-cive to healing for children.”
Kung ang pag-uusapan naman ay tungkol sa kidney, kabubukas lang, aniya, nila ng kanilang pediatric hemodialysis unit. “Kami lang ang ospital na may sariling center for that, kasi dati ‘yung mga bata ay nakasama sa iba. “Ito, exclusively for children na nagpapa-pediatric peritonial dialysis, hindi sa ma-chine, nasa bags lang na dialysis. ‘Yun lang ang kabubukas namin. Sa NKTI (National Kidney and Trans-plant Institute), walang masyadong bata. Kami, ang concentrate namin ay sa mga bata. We’d like to share the services also to NKTI.”
Sa ngayon, aniya, ay mayroon na rin silang eye center, at lahat ng advance equipment ay naroon. “And all the good opthalmologist go there to teach, to do research. It has an eye research institute.”
Dahil naman sa dami ng kanilang mga pasyente at mga dapat at nais nilang gawin ay na-realize, aniya, nila na hindi na sapat ang PGH Manila lamang at kailangan nilang magtayo ng satellite hospitals.
“As we speak, PGH Clark is being built, nung unang pinag-isipan ito, saan ba tayo, dapat ba sa Davao, sa Cebu, kasi kung ang projection mo ay health system, dapat may malakas kang base. Kasi if you’re going to be national, all of them will rotate around the base, and PGH Manila, being given the limited space, cannot expand to its full potential anymore. “
“PGH Clark ang nauna dahil gusto ng BCDA, ang mag-provide ng health service sa buong New Clark City ay PGH. Akala namin mga 10 years from now pa ‘yan, pero dumating ang SEA Games, naging siyang New Clark City, kailangan nila ng health care provider, so they’re building the new polyclinic there now.”
“Polyclinic muna. Ang ideya dun, the government centers will be there, PGH will provide the health facility. Clinic lang siya, ‘pag there’s anything more than it can handle, padadala na sa malapit na ospi-tal.”
Ang pinakamalaking proyekto naman nila ay ang PGH Diliman.
“Bakit malapit din sa Manila? Kasi lagi kaming tinatanong, kailangang i-develop muna namin ang full potential ng Manila bago kami lumipat, kasi lahat ng ibang magde-depend sa Metro Manila, maybe for technology, for manpower, we can always just connect.”
Itatayo aniya ito sa Arboretum kung saan may mga lugar na walang puno. “It’s going to be 700 beds. This is a full hospital. It will be built in phases, OPD, main hospital, and research building, its going to have 700 patients.”
“Pero ang organization ng service, by integrated service organization, by function, hindi by department tulad dito (PGH Manila). Example, sports medicine and muscular skeletal disorder rehab med, may or-tho ka, may rehab ka, may neuro, may rheumatologist, cancer genomics, all the cancer specialist will be there, walang Department of Oncology… Wellness including mental health, primary care, wellness and hospice…the whole range na ‘yun. “
Ang kautusan, aniya, sa kanya ay makapagsagawa ng ground breaking para sa PGH Diliman sa Disyem-bre 2019, ngunit hindi ito kakayanin.
Posible aniyang masimulan ito sa unang bahagi ng 2020 at matatapos ito sa 2022.
Patapos naman na, aniya, ang kanilang feasibility study at may pera na para sa detalyadong architec-ture engineering design.
“Siguro, early 2020. We hope to finish it before the end of the term of two president. Pres. of the Phil-ippines and Pres. of the University. That’s 2022,” dagdag pa niya. “Realistically, matayo man lang ‘yung outpatient building at the start. Para mayroon nang nakalagay na PGH Diliman.
Nabatid na hindi lamang ang mga pasilidad ang bago at moderno dahil maging sa serbisyo at mga medi-cal procedure ay marami rin silang isinagawa at pinangunahan. Halos bawat departamento ng pagamutan ay may bagong ginagawa.
Isa sa sinimulan ni Legaspi noong huling bahagi ng 2016, nang maging direktor siya ng PGH, ay ang thrombolysis.
“Meaning kapag na-stroke ka, within three hours you were brought here, we activate a what we call brain attack team, brain attack protocol, so it’s broadcasted over the speakers, everyone has a role they go the ER, CT scan, labs are being done.”
Aniya, ang PGH ay may highest rate ng thrombolysis, at tinalo pa nila ang ibang mga pagamutan gaya ng St. Lukes at Global City.
“We do thrombolysis, mga 60 cases a year,” aniya. “We started that when I became director in late 2016.”
Aniya, dito siya parang kinikilabutan kapag kanyang naiisip, dahil bilang isang neurosurgeon, ang isang procedure na dati ay sa Global City saka sa Medical City lang niya naririnig ay nasa PGH na ngayon at sa tulong nito ay nakapagliligtas sila ng maraming pasyente.
Gumagastos, aniya, sila ng P1.8 bilyon kada taon para rito o P120 milyon hanggang P140 milyon kada buwan.
“Sa Oncology naman, unang-una, historically, the cancer institute was created in PGH in 1939. So there’s a building for that to do research, to create policies, to coordinate activities, to serve, to have patients. Through the years ang mga development sa radiation therapy nandiyan, sa chemotherapy, sa surgery especially, so I think our cancer institute probably is the busiest cancer institute, it sees 68,000 patients consultations a year. 11,000 new patients, 20,000 breast patients, no. 1 pa rin ang breast e,” ani Legaspi.
“As I’ve said we have developed our ability to do surgery, robotic, lacorospic, email guided surgery, minimal invasive techniques, fluorescent guided ‘yung may mga dye kapag nag-oopera, at importante ‘yung multi-disciplinary, so that one, ayos lang, chemotherapy sa tulong ng DOH at sa pera na nage-generate, nakakabigay na ng kumpletong ano ngayon, mga gamot at treatment, helps a lot… sa breast cancer, may gamot na talagang it helps a lot.”
Isa, aniya, sa mga susunod nilang hakbang ay ang tulungan ang kanilang mga cancer patient, hindi lamang sa loob ng pagamutan, kundi maging sa kanilang mga tahanan.
“So our next one is to help patients with their treatment in the hospital and outside now, recently we just launched something really noble, something called ‘Alagang Breastfriend’. So two months ago, Hyundai Phils, Ms. Fe Agudo donated a new Hyundai van na malaki, pero hindi lang ‘yun, nilagyan niya ng digital mammography saka ultrasound. So our experts now go to towns, cities, barrios to screen. The first one we did is in Ternate, Cavite. Kasi ang mayor ng Ternate ay used to be our ‘manong’, our ‘stretcher pusher.’ So sabi namin, unahin natin ‘yun.”
Nasa 65 pasyente umano ang kanilang nasuri at sa mga ito ay tatlo ang may kanser. “So, imagine kung hindi namin pinuntahan ‘yun? Ang maganda noon all the experts were available.. the breast surgeon, the gynecological surgeon, radiation oncologist was there… kasi magle-lecture ka pa rin para maintindi-han nila ‘yung treatment.”
Mayroon na rin, aniya, silang van na tinatawag na ‘IV therapy van’. “‘Yun naman kaysa pumunta ka rito dahil very limited ang facilities. Doon na lang. May mga couch, nakaupo ka roon, ibibigay ‘yung chemo drug mo sa barrio mo o sa barangay mo. Tapos aalis ‘yung van, lilipat naman sa kabila.”
“It’s just a pilot project to see how much impact, how much will it cost, what kind of manpower re-quirement, what kind of problems will be encountered, but I think to truly answer cancer, you have to have complete, and a national integrated comprehensive cancer act calls for these….screening to high tech treatment…we can do that now. Dati hanggang ano lang kami e, hospital, pero we’re also in the process of re-evaluating our training, the way we train people.”
“And I think that program of the cancer institute is very encouraging. Ngayon iniisip mo na pati scop-ing gagawin mo na sa van. May magpupunta muna the night before, ipi-prepare ang mga pasyente, kasi may kaunting preparasyon,” sabi pa niya.
Sa ngayon, aniya, ay iniisip na rin nilang kumuha ng dugo para sa cancer screening. “’Yung mga tumor marker, mga ganu’n… kasi ‘yun ang ano natin distancial, we assume that, pamasahe lang wala sila. We’re excited to be involved in the comprehensive cancer act activities.”
Inaasahan ni Legaspi na tutukuyin sila ng DOH bilang referral centers ngunit higit pa, aniya, dito ay magiging research center din sila.
Sa ngayon ay bumuo na rin sila ng cancer research group kung saan pag-aaralan ang mga genes ng mga Filipino upang matukoy kung ang cancer ba ng mga Pinoy ay kaiba sa mga Amerikano.
Maaari kasi aniyang dahil sa genetic makeup kaya hindi gumagana ang mga gamot na ibinibigay sa mga Pinoy.
Samantala, ang kanilang Anaesthesiology Department naman ay rated bilang center of excellence sa larangan ng anaesthesia. “It’s probably the biggest program, covering 54 ORs in the hospital. 30,000 operations a year. Even their training has levelled up. Dati magti-training ka sa pasyente, ngayon may manikin na sila, that simulates a patient.”
Ayon pa kay Legaspi, ang PGH din ang kauna-unahang pagamutan sa bansa na nakapagdaos ng Robotic Surgery, at ang unang nakinabang dito ay isang jeepney driver na may prostate cancer, noong Mayo.
“Robotic Surgery… PGH is the first government hospital to have it. Well of course we’ve been very keen on minimally invasive surgery development, so dito lahat ‘yang mga endoscopic, but the next level si robotic surgery, and we were lucky to have extra funds for that so we got system that is doing more robotic surgery than any other hospital on a monthly basis now,” saad niya.
Aniya pa, ang pinakamagandang bagay sa PGH ay nakapagbibigay sila ng serbisyo sa mga charity patient na katulad ng mga naibibigay ng mga pribadong ospital sa mga milyonaryong pasyente nila.
“So the 1st robotic surgery patient was a jeepney driver, who used to have sa very early state of pros-tate cancer, it was done in the 1st or 2nd week of May. Imbes na malaking hiwa, may apat na butas lang,” aniya.
Sa ngayon, aniya, ay maayos na ang lagay ng naturang pasyente dahil controlled na ang cancer nito at wala na siyang kailangan pa na ibang treatment.
Matapos ang pag-opera nila sa naturang jeepney driver, nakapagsailalim na rin sila sa robotic surgery ng mga pasyente na may endometrial cancer at pancreatic cancer.
Sa larangan naman ng Orthopedic Surgery, sila ang may pinaka-advanced gate analysis laboratory. “Kung mayroon kang problem sa paglakad, you’re an athlete, kahit na hindi… Na-stroke ka… May very complex system camera and light system to see how you’re walking so they can recommend correc-tions.”
“Of course, sa sports medicine, ang PGH ang only one of the 39 countries in the world na accredited na tinatawag na fracture liaison, ‘yung may system of handling fractures in elderlies, ‘yung mga unusual fractures. May accreditation ‘yun e, so I think we’re only one of the 39 in the world.”
Nakapagsagawa na rin sila ng ‘telemedicine’ sa San Juan, Batangas, bagama’t nagka-problema naman sila sa mabagal na koneksiyon ng internet, kaya naghahanap sila ngayon ng ibang pamamaraan upang tuloy-tuloy na itong maisagawa, bagama’t sa ngayon, aniya, ay nakakapag-live stream naman sila ng kanilang mga kumperensiya.
Mayroon na rin silang telehealth office or unit. “Our conferences are broadcasted everywhere, includ-ing abroad. So when we have a major guest, let’s say surgeon coming here, or a major speaker, we have partners who can hook up with the events, other hospitals in the Philippines and abroad, inter-university tie ups.”
Kailangan kasi, aniya, ay patuloy ang komunikasyon bagama’t sa ngayon ay para pa lamang ito sa edu-cational purposes.
Sa pag-oopera naman ng mga conjoined twins ay hindi rin pahuhuli ang PGH dahil sila ang may pinaka-maraming naisagawang conjoined twins surgery sa kasaysayan, na umabot na sa 47 operasyon, ka-bilang dito ang mga batang magkadugtong ang ulo.
Sa ngayon ay mabilis na ang pag-opera nila sa conjoined twins at ang huling inoperahan aniya nila na magkadugtong ang tiyan at atay ay hindi na nga kinailangan pang ma-ICU.
Sa panig naman, aniya, ng obstretician at pedia ay nagtulungan ang mga ito sa pagsasagawa ng kauna-unahang intrauterine fetal blood transfusion sa bansa, o pagsasalin ng dugo sa mga batang nasa sina-pupunan pa ng kanilang ina, nitong nakaraang buwan lamang.
Nababawasan ang hemoglobin ng bata at upang ma-reverse ang deadly effect nito sa sanggol, na nasa 24 hanggang 27-linggo pa lamang, ay isinailalim ito sa intrauterine fetal transfusion.
“So we can take care of the babies, even before birth or immediately after birth. Mga congenital de-fects,” aniya.
Ipinagmalaki rin ni Legaspi ang kanilang mga doktor sa pediatric cardiology, na siyang pinaka-advance sa pagsasara ng mga depekto sa puso, nang hindi binubuksan ang dibdib, at sa halip ay nilalagyan lamang ng cateter.
Sa ngayon aniya, sa tulong ng pondo mula sa Sin Tax ay mayroon na silang tatlong cateterization labs, kung saan tinitingnan ang arteries upang alamin kung barado ito.
Isa pa sa mga susunod nilang hakbang ay ang intrafetal surgery o pag-oopera ng mga sanggol sa loob pa lamang ng tiyan ng kanilang ina. “May mga batang may spinal cord na nakalabas, so pwedeng i-repair ‘yun, tapos ibabalik siya sa loob ng tiyan. Mga 24 weeks ‘yung baby.”
Comments are closed.