(Pagpapatuloy…)
Sa kasalukuyan, ginagamit ang AI technology sa iba’t ibang sektor upang mapadali ang mga proseso at pagdedesisyon. Gayunpaman, may mga katanungan na patuloy na lumalabas dahil ang pamamayagpag ng AI ay maaaring magdulot ng pagkawala ng trabaho. Kaya naman binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagbabantay sa pamamahala ng teknolohiyang ito.
Sa naganap na summit, isa sa mga bagay na tinalakay ay ang konsepto ng “AI for the people,” na tumutukoy sa paggamit ng teknolohiya sa mga paraang makikinabang ang buong lipunan.
May dala-dalang katanungan tungkol sa accessibility at inclusivity ang bagay na ito, lalo na para sa mga marginalized groups tulad ng mga PWDs, mga katutubo, at mga taong maaaring hindi pamilyar sa teknolohiya. Samakatuwid, mahalagang linawin kung sino ang “people” sa “AI for the people”.
Upang maisakatuparan ito, mahalagang maunawaan ng mga AI engineers na hindi lamang dapat malaman ng tao ang kakayahan ng teknolohiya kundi pati na rin ang mga aplikasyon nito. Dapat bigyang-diin ng mga negosyo ang human oversight sa AI, na ito ay isang kasangkapan na tutulong sa tao at hindi papalitan ang tao.
Nangangailangan ng aktibong pakikilahok mula sa mga gumagamit ng teknolohiya. Kailangan ding magsikap ang lahat upang itaas ang dignidad ng tao sa larangan ng paggawa. Bukod pa rito, may agarang pangangailangan na i-audit ang mga AI companies upang matiyak na sila ay sumusunod sa mga legal na pamantayan, regulasyon, at patakaran na nangangalaga sa mga gumagamit ng teknolohiya, habang isinusulong ang pantay-pantay na pag-access sa naturang teknolohiya.