IBANG klase si Boss Digong.
Pinasalamatan n’ya, Suki, ang mga opisyales at kawani ng Bureau of Customs na kanyang inalipusta… siniraan ng puri.
Mga tauhan ng gobyerno na inihayag n’ya sa publiko na umano’y sangkot sa katiwalian.
Derpor, mga korap kung makasuhan, mapruwebahan at masentensiyahan ng guilty.
‘Yon nga lang, gibang-giba na ang kanilang pagkatao at kredibilidad.
Higit sa lahat, Suki, ay demoralisado at mabubulid sa kahihiyan ang kanilang pamilya.
Pero pinasalamatan nga sila ng Pangulo, Suki, dahil sa personal na pakikipagkita sa kanya.
Respeto ang tawag ni Boss Digong sa pagsipot ng mga ito sa Malakanyang.
Hindi kakapalan ng mukha.
oOo
May istorya sa balasahan at sibakan sa BOC.
Medyo masalimuot lang na kuwento, Suki, sa likod ng kuwentong inilalako ng sindikato ng korapsiyon sa Aduana.
Upang mapagtakpan ang kanilang panggagago kay Boss Digong.
Opkors, ‘paglilinis ng kalawang’ sa BOC ang bihis ng kanilang balasahan at sibakan.
“Pero ang totoo, Sir RB, ay upang maisingit na sa puwesto ang kanilang napangakuan na mga kakosa at kasangga sa hanapbuhay.”
Hindi ako ang nagsabi n’yan, Suki, kundi ang isang opisyal na nagbulong na batid n’ya ang kompromiso ni Commissioner Guerrero sa ilang San Beda lawyers.
Na ngayon ay naipuwesto na sa isang ‘makatas na puerto’ sa Bisaya.
Idinagdag pa ng nagsumbong na opisyal na ang listahang ibinigay kay Digong na sinasabing mga sangkot sa korapsiyon ay pawang ‘fall guys.’
O iyong mga patapon dahil hindi nakikiisa o ‘di napakikinabangan sa ‘tara’ system.
Na ginawang sentralisado ng mga talentadong TT (think tank) ni komisyuner.
oOo
Suki, dalawang abogado na bagong hirang na collector at deputy collector ang inaasahang masisibak kahit hindi pa man umiinit ang puwit sa kani-kanilang upuan.
Hindi sa isyu ng korapsiyon.
Kundi sinampahan ng ‘quo warranto’ petition. Abangan kung bakit, Suki!
Comments are closed.