PARA sa mga kapatid natin sa Romana Katolika ang pagsapit ng kapaskuhan ang isa sa mga hinihintay na selebrasyon. Sa araw na ito ang mga tao ay masaya at may ngiti sa mga labi, ito na nga ang matuturing natin na pagkakataon upang makasama natin ang ating mga pamilya. Ang ating nakasanayan na Christmas Party na kaliwa’t kanan, mga late night shopping, mga batang nag ka-Caroling, at haba ng pila ng mga bata na nanghihingi ng aginaldo, ay maitututing na nating “Hallmark” ng okasyon na ito.
Ang mga nabanggit ay ang ating nakagisnan at atin nang nakasanayan ng ilang taon, ngunit sa taong 2020, tayo ay binulaga ng sakit na CoViD- 19, na nagpahirap hindi lang sa kalagayan ng kalusugan at ekonomiya ng ating bansang Pilipinas ngunit pati na din ng buong mundo. Ang Covid 19 ay maituturing nga talagang isang Public Health Emergency at hindi dapat baliwalain. Ang natural na ugali ng isang Pilipino na pagiging masayahin at malakas ang loob ang maaring maging dulot na pagkalimot na tayo pa ay nasa kalagitnaan ng pandemyang ito. Ang katagang “New Normal” ay itinalaga ng Inter Agency task Force (IATF), upang ipahiwatig ang mga alituntunin na dapat sundin ng mga Pilipino upang ang sakit na Covid ay mapigilan.
Sa ganang akin ang ating udyok na ipagpatuloy ang ating nakagisnan at ang naturang lubos na masayahin nating mga pinoy ang kalaban ng ating mga sarili at maaring magdulot ng pagsuway sa mga alituntunin ng IATF. May mga Kategorya ng Quarantine status ang bawat lugar sa Piliinas at bawat isang kategoryang ito ay may nakalaan na “Minimun Health Standards” na dapat sundin ng isang tao, establishment at komunidad. Ang Christmas party at pangangaroling ay hindi pinapayagan ng IATF, at ito ay hindi upang pigilan ang mga Pilipino sa diwa ng pasko, ngunit upang tayo ay ma-proteksyunan at mapangalagaan ang ating kalusugan. Ang mga Mall ay mayroon lamang tinakdang oras ng operasyon at ang social distancing, pagsusuot ng mask at faceshield ay dapat ma-observe kahit ano mang mangyari.
Ang diwa ng Pasko ay maari nating ipagdiwang habang tayo ay sumusunod sa mga alituntunin ng gubyerno dahil para na din ito sa ating kaligtasan. Isa pong paalala, mahal pong magkasakit at ang kalabang Covid ay nasa paligid lang natin. Kapag mayroong katanungan maaring mag email sa [email protected] o mag like at mag comment sa fan page na Medicus Et Legem sa facebook link (https: //www. facebook.com/ Dr-Sam-Zacate – Medicus – et-Legem – 995570940634331/) – Dr Samuel A Zacate
Comments are closed.