(Pagpapatuloy)
ANG lahat ay inaanyayahan upang dumalo at makiisa sa Art Fair Philippines mula ika-17 hanggang ika-19 ng Pebrero.
Ipinagdiriwang ng ArtFairPH ang ika-10 anibersaryo nito sa taong ito. Magkakaroon ng serye ng mga in-person events sa The Link sa Makati City. Siguradong magugustuhan ng mga panauhin ang disenyong biophilic na napagdesisyunang gawin ng mga organizers ng naturang art show.
Magkakaroon ng 63 na local at international exhibitors sa ilalim ng mga programang sumusunod: Digital, Projects, Photo Special Exhibits, Talks, at Workshops. Magbibigay pugay rin ang ArtFairPH 2023 sa mga namayapang manlilikha na sina Norma Liongoren at Albert Avellana, dalawa sa mga kinikilalang artista sa komunidad ng sining sa bansa.
Ipakikita rin sa ArtFairPH 2023 ang mga obra ng mga manlilikhang nakatapos ng kanilang art residency sa taong ito, kasama na rin diyan ang mga pelikulang pinili ng Ateneo Art Gallery. At bukod pa sa mga exhibits na gaganapin sa loob ng tatlong araw na nabanggit, magkakaroon din ng “10 Days of Art Initiative”, isang serye ng mga aktibidad na magaganap mula ika-10 hanggang ika-19 ng Pebrero. Isasagawa ang mga ito sa mga gallery, museum, bar, restaurant, at retail establishment na nakikiisa sa pagdiriwang ng ArtFairPH 2023.
Nagsisimula pa lamang ang Pebrero ngunit siksik na ito ng mga maka-sining na kaganapan kagaya ng PASINAYA at ArtFairPH 2023. Siguradong marami pang magsusulputang art events sa mga susunod na araw, kaya antabayanan nating lahat ang makulay at masiglang pagdiriwang ng National Arts Month sa ating bansa!