MALAKING hamon ang pandemya at inflation sa mga micro, small at medium enterprises (MSME) na binubuo ng 99.5% ng mga negosyo sa bansa. Tugon ng isang global technology company na Tala sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ang accessible at flexible na microloans at pagbibigay ng access sa iba’t-ibang financial services sa mga MSMEs kabilang ang mga konsyumer ngayong taon.
Papasinayaan ang Tiwalang Tala Palengke Tour sa mga piling pamilihan sa Metro Manila sa mga susunod na mga linggo. Aarangkada ang programa sa Commonwealth Public Market sa January 28 at sa Balintawak Public Market sa January 29. Layon nitong suportahan ang mga market owners, vendors at mga konsyumer sa pamamagitan ng pagpapakilala ng microloans para mapalago ang kanilang mga negosyo gamit ang Tala app at pagsasagawa ng konsultasyon. Sa pamamagitan nito, malalaman ng customer ang angkop na loan na maaaring niyang kuhanin base sa gastos at pangangailangan.
“Malaki ang bahaging ginagampanan ng mga MSMEs, lalo na ang mga market vendors at owners, sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa,” saad ni Tala Country Manager Donald Evangelista. “Bagamat malaki ang ambag nila sa bansa, walang access ang karamihan sa kanila sa mga produkto ng mga pormal na financial institutions na maaaring makatulong sa kanilang mga negosyo. Kaya naisipan naming ilapit ang aming mga serbisyo sa mga MSMEs sa pamamagitan ng pag-iikot sa mga pamilihan at paglapit sa mga market vendors at owners.”
Sa customizable loans ng Tala, may kakayahang pumili ang customer ng araw ng kanilang repayment date upang maiangkop sa kanilang income cycle at makapagtabi ng sapat na budget sa kanilang mga bayarin. Binibigyan din ng option ang mga customer na magbayad ng hindi bababa sa P5 piso kada isang araw para sa P1,000 na utang. Maaari ring bayaran agad ang loan kahit na isang araw pa lamang matapos itong kuhanin para mapaliit ang kanilang babayaran.
Kabilang ang customizable loans ng Tala sa mga microloan at financial services na maaaring ma-avail gamit ang Tala app na ipapakilala sa Tiwalang Tala Palengke Tour.
Bilang tech-powered financial service, gumagamit ang Tala ng makabagong teknolohiya upang maunawaan ang pangangailangan ng mga customer at upang matiyak na angkop ang kinuhang loans sa kanilang pamumuhay.
“Isa ang Tiwalang Tala Palengke Tour sa mga hakbangin ng Tala upang maging accessible sa mga MSMEs ang mga microloan services nito na maaaring makatulong upang lalo silang maging produktibo sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay,” dagdag pa ni Evangelista. “Sa pagsasagawa ng Tiwalang Tala Palengke Tour, hangad naming maging maalam ang mga MSMEs sa mga benepisyo ng microloans upang mapanatiling maayos ang pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo.”
“Nais din naming maabot ang mga mamimili sa gaganaping Palengke Tour,” sinabi rin ni Evangelista. “Marami sa kanila ay mga maybahay, magulang, o empleyado na nahihirapang kumuha ng pondo para sa kanilang gastusin. Mapupunuan ng microloans ang kanilang pangangailangan dito.”