ALMOST five years ding walang teleserye ang mahusay na actress na si Angel Locsin.
Sa kanyang pagbabalik ngayong 2019 via The General’s Daughter, pasabog ang role niya bilang si Rhian na isang sundalo.
Aminado ang actress na kinakabahan siya sa TGD dahil matagal siyang hindi gumawa ng teleserye pagkatapos ng pinagsama-han nila nina Jericho Rosales, JC de Vera at Maja Salvador. Nu’ng 2017 guest lang siya sa La Luna Sangre ng KathNiel (kathryn Bernardo at Daniel Padilla tandem) at ‘di na nasundan pa.
Sa isang panayam sinabi ni Angel na muntik na siyang mag-quit sa showbiz. ‘Yun ay nu’ng time na wasak ang puso ng aktres and at the same time may iniinda pa siyang karamdaman sa likod kaya hindi natuloy ang kanyang Darna movie.
Pero ang lahat ng ‘yun ay nalampasan ni Angel hanggang sa naging magkaibigan sila ng businessman-producer na si Neil Arce hanggang naging sila na.
Ayon sa aktres, good influence sa kanya ang boyfriend. Naging instrumento raw si Neil kaya naging better ang 2018 sa kanya. Before daw kasi may mga bagay pa siyang tinatago, natatakot na gawin dahil baka biglang gawin na malaking isyu, pero kay Neil daw ay hindi.
So far, wala pa raw naman silang nae-encounter na mga bawal-bawal sa isa’t isa.
“Iba ‘yung ‘pag secure sa pagkatao niya ‘yung partner mo. Malaking bagay ‘yun,” pagtatapos ni Angel.
JAMESON BLAKE NILALAMON SA PAG-ARTE ANG JOSHLIA
TINUTUKAN namin ang Ngayon at Kailanman nina Joshua Garcia at Julia Barretto. Na-bore kami sa eksena ng dalawa nu’ng Martes ng gabi habang nagpapaalam. Hindi ako maantig sa drama ng JoshLia.
Ang expression ng mukha ni Julia ay iisa. Halatang inaarte lang ang pag-iyak. Si Joshua naman ay parang nagpapa-cute kapag nakatutok na ang kamera.
Walang-wala ang dalawang youngstar sa kapwa nila artista na si Jameson Blake. Na mula sa kanyang mga eksena ay talagang very intense ang acting. Hindi pilit kung umarte. Kaya naman halos lamunin ng buo ni Jameson ang JoshLia.
Nakakapanghinayang ang background na kinakanta ni Jona ang themesong ng Ngayon at Kailanman habang ang eksena ay ang paulit-ulit na paalaman ng dalawa. Hindi nabigyang buhay nina Joshua at Julia ang eksenang ‘yun. Lalo na ang parteng hindi mo malaman kung biglang magyayakapan ng mahigpit ang dalawa o kissing goodbye. Ginawa ni Joshua ay hinalikan na lang ang dala-wang kamay ni Julia.
Nawala ang husay ng acting ni Joshua nu’ng siya’y nasa The Good Son. Tuloy marami ang nagsasabing nahihila raw pababa ni Julia ang young actor pagdating sa pag-arte.
Comments are closed.