SINISIMULAN na ngayon ni Angel Locsin ang pagda-diet. Kasi naman, mula nang magkasakit siya at uminom ng gamot para sa nasabing sakit, lumobo na ang katawan ng dating sexiest woman of the Philippines. Nakapanghihinayang na ang original na modern Darna ay nabakante ngayong panahong ito,.
Nagpapapayat daw si Angel dahil may plano na silang magpakasal ng kanyang boyfriend na si Neil Arce. Ayaw raw naman niyang ikasal na mataba pa rin siya.
Pero hindi raw niya iiwan ang showbiz dahil napamahal na ang trabahong ito sa kanya. Looking back, wala naman sana siyang balak na magtagal sa showbiz. Dalawang taon lamang sana ang plano niyang showbiz career, ngunit nakatakda yata talaga siyang maging sikat, kaya nagtuloy-tuloy ang kanyang career, at nanalo pa nga siya ng award.
Pumasok lamang daw sa showbiz si Angel dahil gusto niyang makaipon ng perang pampaopera sa nabulag na mata ng kanyang ama. Kaya lang, nang makaipon na siya ng sapat na halaga, saka lamang sinabi ng duktor na wala nang pag-asang makakita pa ang kanyang ama.
Abot na sa 94 years old ngayon ang Daddy ni Angel, pero mahigit 80 lang siya noong nag-iipon pa siya ng pera.
Inaamin ni Angel na disappointed siya dahil hindi nga niya nagawan ng paraang matulungan ang kanyang ama, pero tanggap na niya ito ngayon.
Noong una raw, plano na niyang iwan ang showbiz, pero nag-sunod-sunod ang offer sa kanya. Kahit nga ang napakaliit na role niya sa “Mano Po” ay tinanggap ng masa, at sumikat siya nang husto sa Mulawin, Darna at Majica.
Hindi naman niya kinalilimutang pasalamatan ang Channel 7 na siyang nagbigay sa kanya ng napakagandang oportuni-dad bilang artista.
Isa pang dahilan kung bakit nagpatuloy siya sa pag-aartista ay dahil na-challenge raw siya sa naranasang diskriminasyon sa entertainment industry. “Sabi ko sa sarili ko, okay, ipakikita ko sa kanilang lahat na kaya ko,” ani Angel. “Tanggap lang ako nang tanggap ng trabaho.”
Malaki raw ang naitulong kay Angel ng beteranang aktres na si Amy Austria, para ma-inspire at madiskubre ang kanyang pagmamahal sa pag-arte. Naalala pa nga niyang may ginawa siyang voice-over kasama si Amy, at ito rin ang nag-turo sa kanya ng kahalagahan ng pag-arte sa pamamagitan lamang ng tinig.
“Doon nagsimulang madiskubre ko na gusto ko palang umarte, na masaya pala akong maging artista,” sabi pa ni Angel. “Na-curious ako kung paano nila nagagampanan nang maayos ang isang character.”
Kinikilala ni Angel na ang pagganap niya bilang Darna noong 2005 ang pinakasikat niyang teleserye, kung saan talagang siya ay sumikat nang husto, ngunit una raw talaga siyang nakilala sa fantasy series na “Mulawin” noong 2004.
Nakaka-miss din daw na hindi na siya gumagawa ng pelikula ngayon – for many reasons. Una, dahil pandemic nga, at ikalawa, hindi pa siya gaanong magaling sa kanyang sakit.
Sa ngayon, mas pinagkakaabalahan muna raw muna niya ang nalalapit niyang pakikipag-isang dibdib sa kanyang fiancé na si Neil Arce.
Sa producer at businessman na si Neil Arce raw niya natagpuan ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. KAYE NEBRE MARTIN
120149 304778I real glad to find this web site on bing, just what I was looking for : D likewise saved to bookmarks . 905728
628346 107492I like this post, enjoyed this 1 regards for posting . 528193
419963 801066It is not that I want to duplicate your site, but I genuinely like the style. Could you tell me which style are you using? Or was it custom produced? 747418