HINDI napigil kahit ng pinakamahigpit na quarantine ang pag-iisang dibdib ng dalawang pusong nagmamahalan. Ikinasal na noong Sabado, August 7, 2021 sina Angel Locsin at Neil Arce. Isang civil wedding ang naganap sa pangunguna ni Taguig City Mayor Lino Cayetano sa ikalawang araw ng mahigpit na quarantine sa Metro Manila. Officially, Mrs. Neil Arce na si Angel Locsin. Finally.
Matagal nang plano ng dalawa ang pagpapakasal ngunit palagi itong nauudlot. Una, nagkasakit si Angel, at ikalawa, dahil nagkaroon ng pandemic. Ngayon ay natupad na ang pangarap ng dalawa. Makapagsisimula na sila ng bagong buhay magkasama.
Ipinangako ni Neil na bibigyan niya ng dream wedding si Angel dahil hindi siya nakaranas ng prom o debut, pero nauwi nga ito sa simpleng civil rights, pero masayang masaya pa rin si Angel. Walang traje de boda, red carpet at anumang bonggang preparasyon ang kasal.
Jeans at sneakers lang ang soot ni Angel sa kanyang kasal ngunit bakas na bakas sa kanyang mukha ang kaligayahan. Kung tutuusin, hindi naman talaga mahalaga ang lahat ng iyon. Maraming ikinasal ng bonggang bongga pero naghiwalay din. Ang mahalaga ay nagmamahalan silang dalawa. Best wishes Angel, congratulations Neil. —KAYE NEBRE MARTIN
872327 267301I believe this website contains some extremely wonderful information for everyone : D. 861482
671418 8056my grandmother is always into herbal stuffs and she always say that ayurvedic medicines are the most effective stuff 805944
111396 452034Hey there! Good stuff, do maintain us posted when you finally post something like that! 280055
115560 934877There is numerous separate years Los angeles Weight reduction eating program with each a person is really a necessity. The pioneer part can be your original acquiring rid of belonging to the extra pounds. la weight loss 607530