ANGEL LOCSIN, KRIS AQUINO FRIENDS FOR LIFE

MAITUTURING ni Kris Aquino na friend for life si Angel Locsin dahil sa ganda ng kanilang samahan. Si Angel pa nga ang nagdala sa actress/TV host sa hospital para sa mga medical tests na gagawin sa kanya.

Kasama ang dalawang anak na sina Joshua and Bimby, sinabi ni Kris na hindi cancer ang sakit niya kundi erosive gastritis and gastric ulcer.

After undergoing positron emission tomography (PET) scan, computerized tomography (CT) scan at upper endoscopy, nag-undergo rin ang Queen of All Media ng bone marrow biopsy para ma- rule out ang anumang blood-related disorder.

Sumailalim din siya sa electrocardiogram (ECG) at 2D echo tests, at okay naman lahat ang resulta. Tapos na rin ang second dose ng Xolair injection. Medyo may discomfort daw siya sa kanyang lower spine dahil pumayat siya ng husto. Sa ngayon, 38.5 kilograms (85 pounds) lang ang timbang niya sa kasalukuyan.

Naniniwala siyang malalagpasan niya ang lahat sa tulong ng Diyos, nga duktor at mga kaibigan, kaya kahit nahihirapan siya ay hindi siya umaangal. “Marami pang mas malala ang pinagdadaanan, at may hinihintay pang mga resulta kaya manahimik, magpasalamat, at patuloy na magdasal,” ani Kris.

Nag-post si Kris ng video na habang sumasailalim sa iba’t ibang medical test kung saan makikitang nakabantay sa kanya si Angel and her kids.

ANDREA BRILLANTES, RICCI RIVERO MAY NAMUMUONG RELASYON

Lumabas ang mga litratong maagkasama sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero at mukhang may namamagitang espesyal na relasyon sa kanilang dalawa. Ito raw ang 19th birthday celebration ng dalaga. Kasunod nito ay lumabas naman ang litrato ni Andrea na soot ang basketball jersey ni Ricci na may #25.

Nito lang nakaraang buwan (Pebrero), nagsimula ang bulung-bulungan sa umano’y kakaibang sweetnes ng dalawa dahil na rin  sa kanilang mga IG posts.

Hindi nila kinumpirma kung may kinalaman sa isa’t isa ang kanilang mga IG post o nagkataon lamang na binigyan ng malisya ng mga netizen. Kitang-kita naman kasi sa mga larawang ibinahagi ni Andrea na kasama niya ang mga kaibigan sa showbiz na sina AC Bonifacio, Jeremy Glinoga, Awra Briguela, Darren Espanto, at iba pa.

Kung totoo mang may something na nga sa pagitan nina Andrea at Ricci, paano na ang ka-loveteam niyang si Seth Fedelin?

VIVIAN VELEZ SUPPORTS ISKO-SARA

BIBIHIRANG pagkakataong makapanayan si Film Academy of the Philippines director-ge­neral Vivian Velez, kaya nang makita namin siya sa launching ng ISAng Pilipinas bilang pagsuporta niya sa tambalang Isko Moreno-Sara Duterte, sinamantala namin.

She said that the endorsement is a private initiative by groups and people who believe in the tandem of the two personalities.

“Kami ang ISAng Plipinas, o Isko-Sara ng Pilipinas. Nagbigkis kami ngayon upang ilatag sa sambayanang Pilipino ang aming pananaw at paninindigan, bilang tugon sa nagbabagong sitwasyong pampulitika at lumalaking hamon ng mundo,” pahayag ni Vivian.

Kasama niyang sumusuporta sa tambalang Isko-Sara ang producer ng biopic ni Isko  na Yorme The Isko Domagoso Story na si Edith Fider. Marami ang naaliw sa throwback memories na ikinuwento ni Daddie Wowie Roxas discover-manager ni Isko na dating basurero at sidecar boy ng Tondo, na ibinuking niyang dating gusgusin at hindi marunong mag-Ingles.