HINDI naman insecure is Angel Locsin na tumaba siya dahil sa gamot. Besides, ilang beses siyang tinanghal na sexiest woman sa FHM Magazine noong kasikatan niya bilang “Darna.” Pero ang ipinaglalaban niya nang patulan niya ang isang basher ay hindi na ang sarli niya kundi lahat ng babaing tumaba at nagpipilit tumaba.
Sa post niya kasi sa kanyang Instagram account, sinabi niyang “Ma’am Leni, sayo na ang bato,” na ang reference ay si Darna, ang superheroine na ginampanan ni Angel sa Kapuso teleserye noong 2005. Sinundan pa ito ni Bianca Gonzalez na “Our real life Darna!”
Kumontra ang isang basher at nilait pa si Angel. “DARNA OMG!! Look can you not see? She covered her body with that banner that is so stupigs” Idinawit pa ng basher si Neri Colmenares kaya hindi nakatiis na hindi sumagot si Angel. “So ano hong gusto mong sabihin bukod sa malaki ang problema mo sa katawan ko, pero mas problema naman ang face at ugali mo?”
Makahulugang komento ng aktres sa kanyang tagasuporta: “hayaan mo siyang magsalita at may resibo ng unethical behavior.”
Nagsunud-sunod pa rin ang pagtatanggol ng mga tagasuporta ni Angel, pero hindi na muling sumagot ang basher.
AMERICAN SINGER KEITH MARTIN NATAGPUANG PATAY SA QC
Natagpuang patay sa isang condominium unit sa Quezon City noong Biyernes, March 25, ang American singer-songwriter na si Keith Martin na nagpasikat sa kantang “Because of You.”
Ayon sa pulisya, inireport ng kalapit na unit ni Martin na may nangangamoy sa sixth floor ng nasabing building, at nang i- trace nila ito ay nanggagaling sa unit ng singer.
Kasama ang mga opisyal ng barangay, sapilitang binuksan ang nasabing unit kung saan natagpuan ang bangkay ni Martin.
RIA ATAYDE NAG-TOPLESS SA BIRTHDAY NIYA, RUMORED BF JOSHUA GARCIA BUMATI
Naging daring si Ria Atayde nang mag-topless siya sa kanyang ika-30 birthday noong March 23. Feeling raw niya, ito yung birthday na youngest and happiest she’s ever been. May permiso raw naman ito sa kanyang mga magulang na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde.
Nagpaabot naman ng pagbati sina Anne Curtis at Joshua Garcia, sabi pa ni Joshua, “Happy birthday ‘rumored girlfriend.” Sagot naman ni Ria, “Thank you ‘rumored boyfriend’ Labyu!”
SHARON CUNETA NAG-SORRY KAY PANELO. PANELO SAYS: OK LANG, HINDI AKO NASAKTAN
Nagkalakas din ng loob si Sharon Cuneta na mag-sorry kay Salvador Panelo hinggil sa kontrobersyal na kantang “Sana’y Wala Nang Wakas.”
Inamin ng Megastar na nagkamali siya pero hindi talaga niya ipinagdadamot ang nasabing kanta. Medyo nadala lamang umano siya ng emosyon kaya siya nakapagsalita ng hindi maganda.
Ayon naman kay Panelo, hindi na kailangang mag-apologize ni Ate Shawie sa kanya dahil hindi naman siya nasaktan sa sinabi nito. Kalimutan na lamang daw nila ang nangyari at magsimula sila uli. Sana nga, kalimutan na ang nasabing isyu – pero ngayong panahon ng eleksyon, pihadong mas palalakihin pa ito ng iba dyan.
RUFFA GUTIERREZ SAYS, BE KIND TO YOUR EX
Mukhang si Kris Aquino talaga ang pinatutungkulan ni Ruffa Gutierrez nang sabihin niyang “kind to everyone, including your ex” matapos itong magkumento tungkol sa ex-boyfriend na si Herbert Bautista kamakailan.
Ani Ruffa, “Good morning beautiful people! Be kind to everyone, including your ex.” Bago ito, sinabi ni Kris sa publiko na hindi niya iboboto ang kanyang ex dahil hindi ito marunong tumupad sa pangako. Hindi man tinukoy ni Kris ang pangalan ni Bistek, alam naman ng lahat na tumatakbo itong senador sa ilalim ng Uniteam.
In fairness, wala pang kumpirmasyon o denial ang umuugong na Gutierrez-Bautista affair, pero hindi pa man, ipinagtatanggol na ni Ruffa si Bistek.
Sabi ni Ruffa, mayroon siyang platonic relationship sa isang special someone.
Hinuha ng mga netizens, si Bistek ang tinutukoy niya.