ANGEL LOCSIN SA BASHERS: TUMULONG NA LANG SA MGA TAONG NAGDURUSA KAYSA MAMINTAS

ANGEL LOCSIN

TAHIMIK and less publicity na tumutulong si Angel Locsin sa mga frontliner na gumagawa ng kanilang mga tungkulin laban sa pagsugpo ng wallfaceCOVID-19 pandemic. Bukod sa tulong nang pamimigay ng mga PPE at iba pang medical supplies, ay nagbigay rin si Angel Locsin ng mga sleeping tents na magagamit ng medical frontliners sa mga ospital sa Metro Manila at karatig-pook.

May sariling disinfecting machine amg naturang tents. At dahil puno na halos ng mga pasyente ang mga ospital, at tumataas pa ang bilang ng mga biktima ng corona virus ay nagbigay din ang aktres ng mga karagdagang quarters para naman sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang medical treatment.

Kung maraming mamamayan ang pumupuri sa mga ginagawang pagtulong ni Angel, ay ‘di naman maaalis na may mga taong hate talaga si Angel kahit anong tulong pa ang gawin nito. Bash pa more ang kanilang drama.

Say ng mga detractor ng aktres, pang publicity lang ang mga tulong ni Angel. Lalo pa nga ngayon na freelancer na siya at malapit nang pakasal. Ani naman ng aktres, may mga tao talagang sadyang sinasayang lang ang kanilang oras sa mga ‘di importanteng bagay imbes na tumulong na lang sa kanyang mga kababayan na nagdurusa.

Inamin din ni Angel, ‘di naman sariling pera niya ang lang ang ginagastos para sa mga tulong kundi pera na rin ng mga may mabubuting loob na nag-aabot ng pinansyal na tulong sa kanya. Kung kaya need din naman ng aktres ipakita ito para malaman ng mga donor kung saan na napupunta ang kanilang donations.

 

LJ REYES NAG-LIE LOW SA KARIR DAHIL KAY PAOLO CONTIS

MAS lalong naunawaan ng Kapuso aktres na si LJ Reyes kung bakit si Paolo Contis ang napili niyang pakisamahan at mahalin to the point na PAOLO CONTIS-LJ REYESnag-lie low siya sa kanyang acting karir para personal na alagaan ang kanilang anak  at ang kanyang panganay.

Ani ni LJ, ngayong nasa lockdown ang bansa sanhi ng COVID-19,  tulad ng ibang mga tao ay nakakaramdam din diumano si LJ ng labis na anxiety at nagkaroon pa siya ng insomnia. Aminado ang young aktress na nahihirapan siya  at para makalma ang sarili ay dinadaan niya sa dasal ang mga nararamdaman.

Bukod dito ay andun lagi sa tabi niya ang partner na si Paolo Contis. Kahit paulit-ulit lang ang mga joke ay pilit siya nitiong pinapatawa. Kahit pa lumabas na KSP (Kulang Sa Pansin) na ang dating ng aktor. Kaya nga mas lalo raw siyang napapamahal kay Paolo.

“Kaya rin siguro itong baliw (Paolo Contis) na to ‘yung binigay ni Lord sa akin para no dull moments! Kahit pa minsan pagod na ako sa mga jokes nya! Gusto n’yo ba kayo naman makarinig ng jokes nya? Kahit na ‘pag ganitong nagta-try ako mag-selfie tapos bigla siyang magpapa-KSP?,” ani ni LJ sa isa niyang post sa socmed.

Comments are closed.