KAYA pala ayaw magbigay ng detalye si Dimples Romana na siyang may alam diumano sa nababalitang pagpapakasal nina Angel Locsin at Niel Arce ay dahil wala pang exact date ang kasalan ng dalawa. As in, wala pang final details tungkol sa kasal.
Pa-iba-iba umano ang plano. Katunayan noong nag-propose si Niel kay Angel ay kasunod na agad ang kasal ng dalawa as in, tuloy na sa simbahan ang nasabing proposal. Kaya lang, ‘di agad nangyari ang kasalan dahil marami pa daw itong pagdaraanang pagbabago dahil masyado raw napabilis ang pagpaplano.
Actually nasa finishing touches na ang nasabing kasalan pero kailangang itigil muna ito dahil masyado silang advance. Napansin daw ito ng kanilang wedding planner na masyadong minamadali ang kanilang pagpapakasal na puwede naman daw itong matutukan ng lubusan pagkatapos ng The General’s Daughter na matatapos na in a couple of weeks.
Ang sabi, ito raw ang best time para matutukan ng maigi ang pagpaplano ng kasal.
May tsika pa nga, na kung tinatanong ang petsa ng kasal at saan ito gaganapin ay walang masasabi ang isa man lang sa kanila. Ang tanging sagot nila ay darating ‘yun sa madali’t tamang panahon.
MARTIN DEL ROSARIO ‘DI UMANO DESERVING SA PAGKA-BEST ACTOR
TAPOS na ang bigayan ng awards sa 2019 Pista Ng Pelikulang Pilipino pero bakit pinag-uusapan pa ang pagkapanalo ni Martin del Rosario sa pagka-Best Actor sa pelikulang Panti Sisters.
May nagsabing sa tatlong gumanap na mga bakla ay mas may ‘K’ daw manalo si Christian Bables, pero sabi naman ng maka-Martin ay siya raw ang mas karapat-dapat manalo dahil sa simula hanggang matapos ang kuwento ay nagampanan niya ito na tuloy-tuloy ang internalization ng kanyang role ‘di tulad nina Christian at Paolo Balleteros na pa-iba-iba ang personality na kanilang ipinakikita sa kanilang role na ginagampanan.
Ang sey naman ng iba, dapat daw si Paolo o si Christian ang nanalo dahil sila ang original sa Die Beautiful but this is beside the point, parang nalalayo kaya naman may biglang sumabat na bayot sa usapan.
Aniya, bakit sa mga bading nakatutok ang pagka-Best Actor Award eh, mas magaling umarte si JC Santos sa pelikulang Open na katambal si Arci Muñoz.
Dapat daw si JC ang tinanghal na Best Actor kasi magaling siya at mahusay niyang nagampanan ang kanyang role sa nasabing pelikula. May takip man daw ng plaster sa kanyang manoy o wala sa ilang eksena nito ay nabigyan niya ito ng 100% justice ang kanyang role na isang lalaki na kahit may syota na for 10 years or more at ka-live-in pa nito ay open pa ito makipagrelasyon sa iba.
Comments are closed.