Angelica Panganiban MAGRERETIRO NA

ANGELICA PANGANIBAN

ANG “Walang Hanggang Paalam” na bagong drama series ang magiging huling  serye ng aktres na si Angelica Panganiban.

Plano ng 33-anyos na aktres na magretiro na. Sa kanyang press conference online  ay inianunsiyo  nito na: “Masaya ako at ang nakasama ko sa project na ito ay ang grupong ito dahil gusto ko na magpaalam sa larangan ng teleserye.”

Makakasama nito sa bagong teleserye sina Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, at Arci Munoz.

Bata pa lamang ay artista na si Angelica  na nakilala sa mga pelikulang “Separada” at “Sarah… Ang Munting Prinsesa.”

Ang unang regular  TV projects  nito ay “Ang TV” and “G-mik.”

Ang “Walang Hanggang Paalam”  ay magsisimula na ngayong Lunes, Setyembre 28. Available ito online via Kapamilya Online Live at  iWant-TFC.

Ang kanyang pahayag  ay kasunod ng  launching ng kanyang podcast show na  “Ask Angelica,” na kung saan siya  magbibigay ng payo sa mga listener  o viewer na may mga idudulog na problema ngayong panahon ng pandemya.

Comments are closed.