ANGELICA SOBRA ANG PAGHANGA KAY ALDEN SA PAG-ARTE

angelica and alden

LUBOS na nagpapasalamat si Alden Richards sa Star Cinema lalong-lalo na kay direk Cathy Garcia-chizmaxMolina dahil nagawa raw siyang tunay ng actor sa movie nila ni Kathryn Bernardo, ang “Hello, Love, Goodbye.”

Lahat ng nakapanood ng movie ay pinupuri ang Kapuso actor na naipakita raw talaga ni Alden ang husay sa pag-arte. Ang ka-loveteam nga niyang si Maine Mendoza ay very happy dahil ibang Alden daw ang napanood niya sa movie. Katunayan ay kilig na kilig daw siya sa KathDen movie.

Maging ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ay pinanood ang movie. Pawang magagandang gestures ang patungkol niya sa Kapuso actor at ayaw raw niyang matapos ang pelikula.

“Nagustuhan ko ‘yung Hello, Love, Goodbye. Given na magaling si Kath. First time ko makita si Alden umarte. Ang galing niya!”

Sobra raw niyang na-appreciate ang KathDen movie at good move raw ang nasabing movie para sa acting ability ni Alden.

“Ayokong matapos ‘yung movie kasi gusto ko pa sila makita sa mga eksena. Ang powerful ng presence nila onscreen,” sambit pa ng actress.

Dahil sa magandang komento ni Angelica para kay Alden, agad siyang sinagot ng Kapuso actor.

“Thank you Angge,” ang simpleng pasasalamat ni Alden sa Kapamilya actress. Ayon naman sa netizens, bakit hindi raw gawan pa ng Star Cinema si Alden na ang kapareha ay si Angelica.

Why not nga naman, maganda ring kumbinasyon ang dalawang artists na ito at rom-com ang nababagay sa kanilang proyekto.

KASEKSIHAN NI LOVI PANG-AKIT SA MGA KALALAKIHAN

BIDANG-BIDA ang Kapuso actress dahil sa kanyang pagbabahagi ng mga larawan kung saan nakasuot Lovi Poe3siya ng bikini.

Kaakit-akit sa mga kalalakihan ang larawan ni Lovi Poe dahil sa na­ngungusap niyang flat abs na bagay sa kanyang kaseksihan. Ang nasabing bikini shots ay kuha sa Pearl Farm Beach Resort sa Samal Island, Davao.

Ang celebrities ng Kapamilya at Kapuso network ay hangang-hanga at gulat na gulat sa larawan ni Lovi. Isa na ang ‘It’s Showtime’ host na si Anne Curtis na nagsabing”GRABE KA! (fire emoji)” Ganyan din ang sinabi ni Bianca Gonzalez.

Komento naman ng broadcast journalist na si Karen Davila, “What the… [shooked emoji]”

“Perfection!!!” naman ang nasabi ng Kapuso comedienne-actress na si Valeen Montenegro.

Si Lovely Abella na kasama sa ‘Hello, Love, Goodbye’ walang nasabi kundi “Seeexyyyy (flying kiss emoji)”

Pagsisiwalat ni Lovi, hinggil sa magandang pangangatawan, “I was starting to be really conscious about my health. It’s like I wanted to live a health-ier lifestyle.

“There was a time in my life when I was always out, having so much fun partying. Then one morning, I just wanna wake up early in the morning and go to the gym and eat healthy food. That’s what happened.”

Ayon pa sa Kapuso actress, sinusundan lang daw niya ay ang ‘the 80-20’ diet rule.

Meaning, ang 80 percent na oras ay para sa kanyang healthy-eating at ang 20 percent naman daw ay sa pagkain na gusto niyang kainin.

“Consistency is the key to a fit body and mind,” lahad pa ni Lovi na very happy ngayon sa rumored British boyfriend.

KYLIE PADILLA  TAKOT TUMABA

SA paglaki ng tiyan ni Kylie Padilla ay nako-conscious siya sa kanyang katawan kaya hindi niya KYLIE PADILLAmaiwasang tanungin ang asawa na si Aljur Abre­nica.

Out of curiosity, tinanong ni Kylie ang actor “Mahal, what do you think when I grow rounder and bigger. Because I feel so bloated.”

Sagot ni Aljur sa napakalambing na pananalita,  “Ano ka ba, you’re making an angel. That’s the most beautiful thing in the world.”

“He holds my bump and kisses it,” masayang sabi ng anak ni Robin Padilla.

Malugod na pinasalamatan ni Kylie ang actor dahil despite everything ay pinatutunayan daw ni Aljur ang tunay na pagmamahal sa kanilang mag-ina.

Sina Aljur at Kylie ay ikinasal nu’ng 2018 kung saan may isa na silang anak na si Alas.

Comments are closed.