ANGELINE QUINTO 5 MONTHS PREGGY

faceup

Limang buwang buntis na pala ang singer na si Angeline Quinto at hirap na hirap siya dahil aktibo siya sa kanyang career bilang mang-aawit. Habang mainit na pinag-uusapan ang kanyang pagbubuntis, nasa Dubai naman si Angge (palayaw ng singer) para isang concert.

Paano yan, mga marites (tsismosa), mali ang duda ninyong tomboy si Angeline. In fact kababata niya ang lalaking nakabuntis sa kanya. Medyo kumplikado ang sitwasyon kasi may mga anak ang dyowa niya, pero walang asawa. Anytime, pwede silang pakasal.

Alam daw naman ito ni Angge. Hindi nga lamang nila inaasahang mabubuntis siya. Nuong nabubuhay pa ang kinikilala niyang inang si mama Bob, sinasabihan siyang mag-asawa na. Ngayon, naalala niya ang kanyang ina dahil apat na buwan na lang ay magiging ina na rin siya.

February 2022 pa matatapos ang kanyang concert commitments. Sana naman, hindi siya manganak sa stage.

 DEREK RAMSAY, MATULIS TALAGA

KARTADA 45 na si Derek Ramsay noong last birthday celebration niya. Bago hipan ang cake, hiningan siya ng birthday wish, at ang wish niya: “I wish, I wish it’s a boy.”

Keber kung isang buwan pa lang sila nagsasama ni Ellen Adarna.  e, mag-asawa naman siya, no! Ang pag-iibigan ng dalawa ay sinubaybayan ng lahat. Naku, si Ellen…ay laging pinag-uusapan ang lovelife, Ngayon Mrs. Derek Arhur Ramsay, nakaselyado na ang pagmamahal niya sa aktor. Teka, pagkaapos ng kasal, di ba inaabangan natin ay magbuntis ang bride. Yung iba nga, buntis nuong ikinasal. Sa ngayon, wala pa kumpirmasyon sa dalawa kung totoong buntis si Ellen. Ang mahalaga, magkasundo sila at tunay na nagmamahal. Kaya sa mga intrigera dyan, pwede ba, huwag ninyong asahan na mauuwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

AJ RAVAL, INAMIN RETOKADA

DAMING isyu kay AJ Raval. Hindi nawawalan ng movie project. Sunud sunod ang pelikula na pinalalabas sa live streaming. Hindi rin siya nauubusan ng isyu. Ang pinakalatest, inamin niyang nagpadagdag ng kanyang dibdib. Naumsiyami tuloy ang mga kalalakihan na, nagpapatansiya sa kanya e, peke pala ang kanyang dibdib. Plano niyang ipaalis ang silicone gel nilagay sa kanyang dibdib. Gusto ng anak ni Jeric Raval na magkaroon siya ng “freedom”. May nagtatanong tuloy sumuko na ba sa kanyang bashers si AJ lalo na’t pinag-uusapan ang mga lalaking may sabit ang nakarelasyon. Imagine, wala pa siyang isang taon sa syobis, naging sikat siya sa social media. Sana naman, mapanood sa mga sinehan ang kanyang mga pelikula. Teka, may nagtatanong, di ba retokada ang ugali ni AJ kaya maraming bashers?