IPINAHAYAG ni Atty. Jose Malvar Villegas, Jr., may-ari ng JMV Film Production at apo ng National Hero General Miguel Malvar, na ilan sa mga angkan ng mga National Heroes of the 1896 Philippine Revolution, ay gaganap ng mahahalagang papel sa pelikulang ‘Malvar,’ the true-to-life story of Gen. Malvar, produced by JMV Production, at pagbibidahan ni Manny Pacquiao bilang si Gen. Malvar.
Ayon kay Villegas, na siyang co-founder ng Kaanak nang mga Bayani ng Himagsikan Filipino, 1896 (KAANAK, 1896), the official organization of descendants of National Heroes recognized by National Historical Commission (NHC) headed by Roy Daza, President, ay bubuo ng joint committee ang JMV at KAANAK 1896 para makipagtulungan kina award-winning singer Imelda Papin, president of Actors Guild and line producer of Malvar and award-winning movie director Jose ‘Kaka’ Balagtas, director of Malvar, upang pumili sa mga National Hero descendants sa pangunguna ni former PNP Director General Edgar Aglipay, Kaanak 1896, Chairman and grandson of Revolutionary Hero, Gen. Gregorio Aglipay, General Chaplain of Philippine Revolutionary Republic Forces during the command of Gen. Malvar in the 1896-1902 Philippine-American War.
Si Roy Daza, na apo ng Revolutionary Hero na si Col. Eugenio Daza who commanded the Filipino forces against the Americans in the world famous Balangiga Samar Battle, ay isa sa mga descendants na gaganap sa ‘Malvar.’ Mapanonood sa ‘Malvar’ ang Balangiga Massacre na kumitil ng limampung libong kalalakihan ng Balangiga dahil sa kagagawan ng mga Amerikano.
Ayon pa kay Atty. Villegas, ang buong cast ng ‘Malvar,’ kasama ang mga artistang gaganap ng mahahalagang papel bilang Rizal, Bonifacio, Aguinaldo, Gen. Luna, Gregorio del Pilar, Emilio Jacinto, Sakay at Quezon, ay ipakikilala sa publiko sa Bonifacio Day, ika-30 ng Nobyembre, 2019, sa Aberdeen Court, Quezon City.
UTOL NG SIKAT NA AKTOR IKAKASAL SA ERMATS NG KONTROBERSIYAL NA PERSONALIDAD
USAP-USAPAN sa ngayon ang awayang nangyari sa isang outspoken na personality who is using her money to get some much-needed connections at kamag-anak niyang sinabunutan niya lately.
But we are not going to talk about her controversial relationship with her tita who supposedly took her boyfriend away from her.
May isa pa palang juicy angle sa buhay ng young lady na ‘to since her mom, who is still relatively young and pretty, is set to marry the younger brother of this mature matinee idol.
Pabolosa!
Hayan at akala nang nakararami ay gurang na ang ermats ng young personality, ‘yun pala, the mom is young enough to attract the younger brod of this matinee idol.
Laban ka? Hahahaha!
‘Yun nah!
KUNG KAILAN TUMANDA SAKA PA NATUTONG KUMARENGKENG
MATAGAL na panahong naging loyal sa kanyang asawang foreigner ang aktres na ‘to na cougar na kung tawagin sa industriya primarily because of her age but honestly speaking, she is by far more desirable than other young actresses in the industry.
Up close, hindi masyadong nag-depreciate ang kanyang looks. As a matter of fact, the young (?) actress she co-starred with an indie movie lately, looks a lot older than she is. Hahahahaha!
Nakatatawa naman.
Pa’no, “pabayad” nang “pabayad” (pabayad daw talaga, o! Hahahaha!) ang ham actress (ham actress daw, o! Hahahahahaha!) na matagal ng naghahanap kay Mr. Right pero hindi naman makakuha dahil she is after money first before the other attributes of the male she chooses to have a relationship with. Hahahaha!
Pa’no, addicted sa retoke ang babaeng ito kaya dapat ay rich ang makuha niyang papa.
Okray!
Anyway, tatlong dekada na naging devoted wife ang aktres na ‘to dahil sa abroad sila nag-stay na mag-asawa.
But just when the kids are already grown up, saka pa yata magkakaproblema ang mag-asawa.
May nagugustuhan raw kasing papable na batang ombre ang cougar ng aktres at nahahaling daw ito sa bago niyang conquest.
If true, what a pity for her husband who has remained loyal to her after all these years. Pero baka naman temporary lang ang attraction niya sa local ombre at pagkatapos na makuha ang gusto niya (pagkatapos daw makuha ang gusto, o! Hahaha!) ay muli siyang magbabalik sa kanyang papa. In the first place, she has never left.
‘Yun nah! Hahahaha!
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.