KASALUKUYANG ipinagdiriwang ng bansa ang National Arts Month (NAM), alinsunod sa Presidential Proclamation 683 na nilagdaan noong 1991.
Ang tema ngayong taon ay, “Ani ng Sining, Bayang Malikhain.” Ito ay nagbibigay-diin sa ideya na ang masaganang ani ng likhang-isip ng malikhaing Pilipino ay nagmumula sa kolektibong imahinasyon ng tao at hindi sa indibidwal na ambisyon.
Ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang pangunahing tagapangasiwa ng pambansang pagdiriwang at kaugnay na mga aktibidad.
Ang mga selebrasyong kaugnay ng NAM ay nagaganap/magaganap sa iba’t ibang probinsiya, local government units (LGUs), sa House of Representatives, sa Senado, National Museum, Metropolitan Theater, Rizal High School, NCCA Gallery at Online Film Library, at iba pang mga lokasyon.
Kabilang sa mga programa at aktibidad ang mga sumusunod: “Buhay na Dunong: Bukal ng Sining,”
“Ani ng Dangal 2024,” “Surat-Tanghal: Reading the Regions/SURATalakayan and Tanghal-akda,”
“Saan Ka Lulugar 2024: Resiliency in the Built and Designed Environment,” “Bagong Biswal 2024,”
“Paano Magbasa ng Pelikula,” “Margaha Film Festival,” “Iloilo Film Festival,” “Sayaw Pinoy 2024,”
“18th Tanghal University and Community-based Theater Festival,” “Musikapuluan 2024 Workshops, Lectures and Performances,” “Cinema Rehiyon 16: Decolonizing Regional Cinema,” at marami pang iba.
Ang grand finale ng National Arts Month ay gaganapin sa Angono, Rizal.
Para sa detalyadong impormasyon tungkol sa mga programa at aktibidad na ito, mangyaring bumisita po lamang sa website ng NCCA.
Inaanyayahan ang buong bansa na makilahok sa mga pagdiriwang sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.
Ayon kay NCCA Commissioner for the Arts Arvin Manuel R. Villalon, “Mayroong kapangyarihan ang sining na magbuklod sa bansa tungo sa iisang layunin.” Tayo’y lumikha, makibahagi, at hayaan ang sining na magsilbing inspirasyon sa ating buhay ngayong Pebrero!