(Pagpapatuloy)
BILANG bahagi pa rin ng pagdiriwang ng National Arts Month, tampok ang “Buhay na Dunong: Bukal ng Sining Aklan Piña Handloom Weaving Exhibit” sa Senado hanggang ika-29 ng buwang kasalukuyan.
Dahil sa pagkakasulat kamakailan ng Aklan Piña Handloom Weaving sa UNESCO Representative List of the Intangible Cultural Heritage of Humanity nitong Disyembre 2023, minabuti ng opisina ni Senator Loren Legarda, sa pakikipagtulungan ng NCCA, ng Provincial Government Office ng Aklan, at ng Aklan Piña Man-Tra na i-showcase ang mga piña woven textiles mula Aklan sa espesyal na exhibit na ito.
Tampok naman sa NCCA Gallery ang dalawang art exhibits: “Dugong Ginto” at “KableArt,” na parehong maaaring mabisita hanggang sa ika-29 ng Pebrero. Ang “Dugong Ginto” ay tungkol sa goldsmithing sa Pilipinas (pagpapanday ng ginto), tampok ang mga obra ni Ely “Oslog” Arcilla Jr., isang goldsmith (platero) mula Paracale, Camarines Norte na may 30 taon na karanasan sa pagpapanday ng ginto. Ito ay kolaborasyon nila ng jewelry designer na si Adam Pereyra at ng curator na si Marian Pastor Roces.
Ang “KableArt” naman ay koleksiyon ng mga obra ng interdisciplinary artist na si Ruben Jasareno, na sinimulan niya bilang isang visual art project noon pang 2018. Ang proyektong ito ay ang kanyang patuloy na eksplorasyon at paglilimi tungkol sa mga social/community values nating mga Pinoy, na ginamitan niya ng mga reclaimed materials. Sumasalamin ito sa dedikasyon ni Jasareno sa iba’t-ibang interdisciplinary forms.
Para sa karagdagang impormasyon at iskedyul ng pagbisita, maaaring i-email ang NCCA Gallery team sa [email protected] o tumawag sa (+63 2) 8527 2192 loc. 309 sa mga oras na bukas ang opisina. Bukas ang NCCA Gallery mula Lunes hanggang Huwebes, 9:00 am hanggang 6:00 pm, at sa araw ng Biyernes at Sabado, mula 9:00 amhanggang 3:00 pm.