ANNABELLE RAMA TINALAKAN ANG BASHER NI JINKEE

faceup

MATAGAL ding nanahimik si Annabelle Rama, pero nasa fighting mood na uli si Bisaya hindi para ipagtanggol ang kanyang mga anak na si Ruffa, Raymond o Richard kundi si Jinkee Pacquiao.

Nagsimula ang lahat nang pansinin ng lady­scribe ang mamahaling kasuotan ni Jinkee nuong lumaban ng boksing ng kanyang mister na si Manny laban kay Ugas sa Las Vegas, Nevada. Maraming nakapansin na ang OOTD ni Jinkee ay mga branded, from head to toes. Nagkumento ang ladyscribe na “insensitive” ang asawa ni Senator Manny, dahil naghihirap ang mga kababayan niyang Filipino dahil sa pandemya. Ma­ging sa radio program ng lady­scribe ay tinalakay nila ang pagiging fashionista ng Jinkee.

Knowing the made­raka ni Ruffa na santambak ang signature na bags, tumaas ang kilay nito. Heto na ang misis ni Eddie Gutierrez nang may nagtanong sa kanya kung ano ang masasabi niya sa ginawang pagpuna kay Jinkee.

“Ang kapal talaga ng mukha mo. Pinapakain mo sa pamilya ay pera galing sa mga taong sinisiraan mo. Mahiya ka naman sa sarili mo. Huwag kang mamatay sa inggit sa mga gamit ni Jinkee. Ang pera na pinambili niya ng branded na gamit ay hindi galing sa nakaw. Maligo ka ng sampung tabo na kumukulong mainit na tubig para matanggal ang inggit sa iyong katawan.”

Grabe ang litanya niya. Sabagay, matindi ang galit niya sa nasabing manunulat. Idinemanda pa nga niya ito ng libel dati. Ayaw na sana ni Bisaya na ituloy ang usapin sa korte, pero gusto niya itong turuan ng leksiyon kaya gumigising siya ng maaga para dumalo sa korte. Nanalo siya sa kaso.

Sino ang maysabing bagsak ang lokal na aliwan? Heto’t matindi ang patutsadahan gamit ang digital platforms. Hayan, ilang tulog na lang Oktubre na, malalaman na natin kung sino ang mga aspi­ring presidentiables. Isa nga raw si Senator Pac­quiao sa nagsabing tatakbong pangulo ng bansa.

MARK HERRAS, TINANGGIHAN ANG ALOK NG BADING

Sa huling vlog ni Mark Herras sa kanyang YT Channel, tinalakay niya ang paghiram niya ng P30K kay Lolit Solis. Sa dami ng mga batikos at lait na inabot niya ay hindi niya ito sinagot.

As manager, concerned lang si Lolit sa finances ng actor. Isang dekada na siya sa syobis at pamilyadong tao. Sa dami ng alaga ni Manay Lolit, kay Mark lamang siya nagkaproblema, kaya para hindi ma-stress, binitiwan niya ito.

Kamakailan, nag-renew ng kontrata si Mark sa GMA7. Marami ang nag-usisa sa actor sa kanyang vlog kung ano ang masasabi niya na binitiwan na siya ng kanyang manager, pero hindi siya napilit na sumagot. May nagtanong uli. Ngayong nangangailangan siya ng pera, wala bang nag-alok na bading na alam nyo na — indescent proposal?

Sabi ng aktor, “marami akong akong natanggap ng direct messages mula sa mga bading na pwede raw siyang tulungan. Ayon daw sa mga bading, nabasa nila ang nangyari kay Mark. Kung tutuusin, maliit lamang ang P30k at kayang kaya ito ng mga Richie Gays kapalit ng isang gabing kaligayahan. Pero tinanggihan niya ang mga alok na ito.

Sa ngayon, may mga TV projects na nakalinya sa kanya. Sana naman, maging masinop na siya sa pera. Dalawa na ang kanyang anak at pitong buwan lamang ang anak bunso niyang anak.

ANGEL LOCSIN TINAWAG NA BRAINLESS

WALA namang pelikula o teleseryeng pino-promote si Angel Locsin pero laman siya ng showbiz balita. Kahit sa social media, mainit na paksa ang aktres dahil matindi ang komento niya sa ating gobyerno. Tinawag pa nga siyang brainless ng isang opisyal ng gobyerno. Nag­hamon pa ito ng debate sa aktres, kaya hindi nakatiis ang asawa niyang si Neil Arce. Siya naman ang nag­hamon ng debate sa nasabing opisyal. Hindi niya uurungan ang nanghahamak sa kanyang asawa. Kahit suntukan, lalaban siya.

Napakaraming beses na tumulong si Angel sa mga kababayan natin lalo na ang pagbibigay ng medical supplies, pagkain at gamot. Tapos nga naman, mababalitaan mong hindi wasto ang pag-gamit ng bilyong pondo. Ramdam natin, nagagamit ang pangalan ni Angel dahil nalalapit na ang filing of candidacy. Kawawa naman si Angel, tumutulong na nga nadadamay pa sa kalokohan nila.

97 thoughts on “ANNABELLE RAMA TINALAKAN ANG BASHER NI JINKEE”

  1. 246091 843990An interesting discussion is worth comment. I believe which you ought to write regarding this subject, it may not be a taboo topic but generally persons are too few to chat on such topics. To another location. Cheers 669486

  2. 629365 914070I genuinely got into this write-up. I discovered it to be intriguing and loaded with exclusive points of interest. I like to read material that makes me think. Thank you for writing this excellent content material. 999169

Comments are closed.