TUWANG-TUWA si Anne Curtis dahil history raw sa buhay niya na ginawaran bilang first Filipina actress ng FPJ Memorial Awards para sa 67th Filipino Academy Movie Arts and Sciences (FAMAS) 2019 winners na ginanap kamakailan sa Meralco Theater.
Kaya naman hanggang sa “It’s Showtime” program nila ay nasa cloud 9 pa rin ang actress at continuous ang pasasalamat niya sa FAMAS.
Pinasalamatan ng Aussie-Pinay actress si direk Erik Matti at ang pelikula niyang ‘Buy Bust’ kung saan hinangaan ang husay niya as an action star.
Ani Anne, nawala ang lahat ng pagod at hirap na naramdaman niya noon habang sinu-shoot ang ‘Buy Bust’ dahil sa recognition na binigay sa kanya ng FAMAS.
Tinanghal naman bilang Best Actress si Nadine Lustre sa pelikulang “Never Not Love You.”
If I am not mistaken, ang pelikulang ito ni Nadine at James Reid na dapat sana ay hindi na matutuloy i-shoot dahil nagkaroon ng misunderstanding ang director na si direk Antoinette Jadaone at ang young couple.
Mabuti na lang nagkaayos ang magkabilang panig dahil kung hindi, ‘di makilala ng award-giving body ang kakayahan ni Nadine sa pag-arte.
Aakalain ba ni Nadine na sa pelikulang ito ay tatanghalin pala siya bilang Best Actress.
Dapat niyang pasalamatan si direk Jadaone dahil itinuloy pa rin niyang i-shoot ang pelikula kahit na sumakit ang ulo niya sa dalawa niyang artista.
Nag-tie naman bilang Best Actor sina Eddie Garcia at Victor Neri.
Si Maricel Soriano ang ginawaran bilang Dolphy Memorial Award.
Comments are closed.