ANNE CURTIS MARAMING REBELASYON TUNGKOL SA KANYANG PAGBUBUNTIS

anne curtis

BIG REVELATIONS ang pinakawalan ng preggy actress na si Anne Curtis sa reflectionKapamilya morning show na “Magandang Buhay” nitong Kapaskuhan.

Ikinuwento ni Anne sa “Magandang Buhay” hosts na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros ang kanyang mga rason at pati na rin ng hubby niya na si Erwan Heusaff kung bakit itinago niya muna ang kanyang pagbubuntis.

“Tinago ko muna kay Erwan. Hindi ko alam kung bakit. Basta I kept it muna sa self ko. Three days lang naman. Tapos, ‘yun na, shinare ko na sa kanya. Although, alam naman niya na medyo nade-delay ako. Sabi ko, ‘What if I am? Tapos sabi niya, ‘What?’ Sabi ko, ‘Yeah, I think I’m pregnant.’ Tapos ‘yun na,” lahad ni Anne.

Naghintay pa raw sila till next morning para mag-test ulit. Nag-positive raw ang resulta. After that, nagpa-set na sila ng appointment sa OB-Gyne. Doon sinabi sa kanila ng doktor  na may heartbeat na ‘yung nasa sinapupunan niya.

Inamin din ni Anne na sobra silang na-shock ni Erwan nu’ng ma-confirm na preggy siya.

“Well, wala pa kasi sa plano. Next year pa talaga. Next year pa talaga ‘yung plano, may plano pa akong gusto ko mag-marathon.Talagang 2020 pa.

Sabi ko nga, narinig naman ni Lord ‘yung sinasabi kong 2020, 2020.  Kasi, 2020 naman talaga ‘yung baby.”

Sila lang daw ni Erwan at ang doktor nila ang unang nakaalam ng kalagayan niya. Ang sarap daw ng feeling nila na sila lang muna ang naka-kaalam about her condition.

Excited na raw siya na maging mom. It’s a new journey for her at pinaalaala niya sa hosts ng Magandang Buhay nu’ng tinanong siya kung ano pa ang dream niya ang gusto niyang matupad.

“And now, it’s happening. This is probably the biggest dream come true for me. So, excited ako na tahakin ‘tong journey na ‘to. Alam kong hindi siya magiging madali at happy lang ako dahil ang daming nagbibigay sa akin na mga momshies ng advice on how to handle. Thank you Lord, talaga,” pasasalamat pa ni Anne.

THEATER ACTOR IDINEPENSA SI MANNY PACQUIAO SA PAGGANAP BILANG GEN. MALVAR

PINAGTANGGOL ng baguhang aktor na si Paul Marco ang mga namba-bash kay Senador Manny Pacquiao sa pagganap niya bilang si Gen. Malvar sa biopic ng bayani ng digmaan noon.

Si Paul Marco ay isang budding actor na nagsimula sa teatro at nakasama sa pelikulang “Felix Manalo” pati na sa “Guerrero 2.”

“Sa akin po sana, ‘yung iba po, basta may masabi na lang, e. Kumbaga, uninform, misguided po ‘yung remarks, e. Sa akin po kung kikilanin natin si Manny Pacquiao. Siguro po tingnan natin ‘yung pagkatao niya. Kung paano po siya umunlad galing sa hirap. Doon po dapat kumuha ng inspirasyon ang mga tao, ‘di po ba,” lahad ni Paul.

Pagtatanggol pa niya, “Hindi naman po ito yumaman dahil sa korupsyon lang, e. At saka, ang kagandahan pa po kay Pacquiao, namimigay. Shini-share niya ‘yung blessings niya. Kaya siguro ayaw tumigil sa pagbo-boksing, naghahanap siya ng maisi-share niya sa tao. Sana ‘yun muna ang tingnan ng tao bago nila i-bash si Sen. Pacquiao.”

Kasama si Paul sa biopic ni General Malvar kung saan si Sen. Pacquiao ang gaganap. Kaya kinuha naman namin ang comment niya sa isyung di pabor ang ilang kaanak ni Gen. Malvar na si Sen. Pacquiao ang gumanap sa movie.

Anyway, excited na si Paul sa role niya para sa Gen. Malvar movie na ididirek ni Kaka Balagtas. Intiially, isa siya sa mga aide de camp ni Gen. Malvar. But Direk Kaka taught of a more meaningful role for him.

“Sabi ni Direk Kaka, ‘Kaya lang parang ‘di masyadong tumatatak ‘yung mga role na ‘yun. Maganda ‘yung ano lang, maikli pero tumatanim. Paano kaya kung ‘yung kapatid ni (Andres) Bonifacio? Si Procopio, pwede ka doon.’ Kasi ang ano po ‘dyan, si Isko Moreno initially was ano, e, assigned for the role of Bonifacio ‘Kapatid ka,’ sabi ni Direk Kaka sa akin.”

High school pa lang ay hilig na niya ang pagpe-perform. Kasama na siya sa mga drama festivals competition and very proud siya na sinabing nanalo sila.

Si Paul ang chief of staff sa opisina ng kanyang ama  na si Congressman Dante Coleta ng SAGIP Partylist.

Comments are closed.