MAGMULA nang mag-asawa ay lalong kinagiliwan ng masa, lalo na ng mga kalalakihan si Anne Curtis. Kaya naman dagsa ang offer ng mestisang actress at wala nang panahon para makabuo sila ng bata ng kanyang husband na si Erwan Heussaff.
Tulad na lang sa coming New York Asian Filmfest, bibida ang mestisang actress dahil magkakaroon ng back-to-back premiere ang dalawa niyang pelikula na Sid & Aya katambal si Dingdong Dantes at ang Buy Bust kasama ng foreign actor. Mapapanood muna ang Sid & Aya ng 3:30 pm at kinagabihan ng 8:30 pm ang Buy Bust naman ang magpi-premiere.
Pagkatapos nito ay haharap si Anne sa foreign press para sa question and answer after ng screening.
Sa Agosto 18 ay pagtutuunan naman niya ng pansin ang concert niya sa Araneta Coliseum titled Anne Kulit, Promise Last Na `To. Tapos may gagawin pa siyang isang horror movie.
Kaya ang inaabangan ng kanyang followers at friends sa showbiz na kung kailan siya mabubuntis ay tila malabong mangyari ngayong taon dahil sa sobrang hectic ng kanyang schedule. Nandiyan pa ang Monday to Friday niyang TV show na It`s Showtime.
Sabi nga ng mga nakakakita kay Anne ay mas lalo raw itong gumanda at sumeksi magmula nang mag-asawa. Mas nakakagigil pa nga raw ngayon ang mestisang actress kompara noong siya ay dalaga pa.
Tanong naman ng followers ni Robin Padilla, kailan daw magsasama sa pelikula si Anne at ang sikat na action star.
Di nga ba may nakatakda sanang movie sila na pagsasamahan pero biglang umayaw si Anne dahil sa ilang problema na hindi na nabigyan ng linaw.
MARIEL RODRIGUEZ BINAWALAN NI ROBIN SA KISSING SCENE KUNG MAGKA-SERYE; HANGGANG HOSTING LANG ANG PUWEDE
BAGO pala pinayagan ni Robin Padilla magbalik-showbiz si Mariel Rodriquez ay may bilin ito sa ka-partner na kung sa hinaharap ay gagawa ito ng teleserye or movie ay bawal ang makipaghalikan sa magiging leading man nito.
Warning nga raw ni Robin kay Mariel na kung makikipaghalikan ito sa magiging leading man ay baka hindi lang daw ito umalma. Baka raw may mangyari pang suntukan.
Ang naging usapan daw nila ni Mariel ay hanggang sa pagho-host lang sa It`s Showtime ang trabahong kanyang pagkakaabalahan muna na sinang-ayunan naman ni Mariel.
Ayon pa sa nakarating sa amin na pinayagan lang si Mariel na mag-host sa It`s Showtime at hindi sa isang TV show na dati rin niyang sinamahan.
ELLEN ADARNA ‘DI PA RIN SINIPOT ANG HEARING SA IKATLONG PAGKAKATAON
SA ikatlong pagkakataon ay hindi pa rin sinipot ni Ellen Adarna ang preliminary hearing ng kasong isinampa sa kanya na Anti-Cybercrime at Anti-Child Abuse ng magulang ng minor na napagkamalan daw ng controversial actress na paparazzi na sina Myra at Roel Santos.
Ayon sa nag-abang at nagpunta sa Pasig Regional Court, hindi na raw natutuwa ang mga magulang ng minor at nag-iisip na raw diumano ang mga ito na ituloy na ang kaso at huwag nang dumaan sa mediation.
Ang hinihingi ng nagsampa ng demanda kay Ellen ay isang apology na until now ay tila ayaw gawin ng sexy actress.
Pero dapat din sigurong isaalang-alang ng nagsampa ng demanda kay Ellen na baka makasama sa actress ang ma-stress kapag dumalo sa hearing. At ang isa pa siguro ay dahil kamamatay lang ng kanyang ama at nagluluksa pa ito sa nangyari sa kanyang magulang.
May umaasa na maaayos rin ang lahat ng gusot sa pamamagitan ng mediation. Ang hindi siguro pagsipot ni Ellen sa hearing ay hindi nangan-gahulugan na ayaw nitong harapin ang kasong isinampa sa kanya.
‘Di nga ba sinabi ng abogado ni Ellen na maselan ang pagbubuntis ng controversial actress.
Hindi naman siguro or ayaw or dinedma ni Ellen ang kaso. ‘Di ba dumating si John Lloyd Cruz noong unang hearing bilang representative ni Ellen.