ANNE CURTIS NANAY NA, INULAN NG PAGBATI ANG PANGAN-GANAK  

anne curtis

NAGSILANG na ang aktres/TV host na si  Anne Curtis sa first baby nila ng mister reflectionniyang si Erwan Heusaff sa Australia kamakailan.

As expected, baby girl ang isinilang ni Anne at kasunod na mari-reveal ang name ng bata.

Past five in the afternoon ng Lunes kumalat sa social media ang pagbati ng talent management  na kinabibilangan ni Anne, ang Viva Entertainment.

Pero sa “It’s Showtime” ay binanggit ni Vice Ganda na nagkausap sila ni Anne earlier that day.

Naglalakad-lakad daw si Anne ang sabi kay Vice. Para raw bumaba ‘yung baby kasi nga, ang alam ng marami ngayon ang kabuwanan ni Anne.

‘Yun pala, baka nagla-labor na si Anne habang kausap si Vice sa telepono nu’ng umaga ng Lunes.

Nagbiro pa si Anne na mas maigi na sa bibig niya lumabas ang bata para mas madali at ‘di siya masyadong mahirapan.

Lagi kasing tinutukso ni Vice si Anne na malaki ang bibig.

Pramis daw ni Anne ipapaalam at ipapakita raw niya sa “It’s Showtime” ang pagsilang ng firstborn nila ni Erwan.

Samantala, inulan na ng mga pagbati sa social media ng mga kaibigan from showbiz and out of showbiz si Anne at Erwan.

To Anne and Erwan, congrats!

EX-LIVE IN PARTNER NI JOEM BASCON INIWAN NA ANG KANILANG LOVENEST

INIWAN na pala ng vlogger at ex-live in partner ni Joem Bascon na si Crisha Uy ang dati nilang lovenest.

Para sa kanya, that’s the best thing para tuluyan na siyang maka-move on at makalimutan na niya ang sakit na naramdaman niya  nu’ng hiwalayan siya ni Joem.

“You get rid of the things na nakapagpapa­alala sa kanya, kasi it’s not helping, e,” pahayag ni Crish sa kanyang vlog.

Lahat daw ng binigay ni Joem sa kanya ay iniwan na niya.  At kahit daw ‘yung mga bagay na ‘di binigay ni Joem sa kanya pero makapagpapa-remind kay Crisha sa kanyang ex ay iniwan na rin niya sa dating bahay na tinirhan nila.

“Example, may damit ako na sinuot, Ito ‘yung first na damit na sinuot ko nung nakilala siya… May mga ganu’n ako.  Iniwan ko lahat ‘yun. Lahat ng mga bagay na nakikita mo na naalala mo lang siya, iiwan mo na yun,” payo pa ni Crisha.

Nakatulong daw nang husto ang dasal, suporta ng pamilya at mga kaibigan niya, at pagluha para maka-ahon  sa sakit at lungkot. Kaya tanggap na tanggap na raw niya na  wala na sila ni Joem.

“When acceptance comes, huwag ka na umasa na bumalik siya. And kailangan mo tanggapin na wala na talaga.”

Mas gusto na lang daw niyang gumawa ng bagong memories without your ex.

“Maging masaya ka na. You have to let go of the anger. Ikaw rin ang lugi kapag tinatago mo yung feelings mo na may galit ka pa diyan. If you let go, it means wala ka nang galit.”

Knows naman ng marami na happy na si Joem sa piling ng dati rin niyang “ex” na si Meryll Soriano.

Sa huli sinabi pa ni Crisha na ang “constants” sa buhay ay ang pagkakaroon ng pananampalataya  sa

Diyos at pagmamahal ng mga pamilya at kaibigan.

Amen.

Comments are closed.