ALAM na alam ni Anne Curtis kung paano umeksena at gumawa ng pasabog na siguradong pag-uusapan ng kanyang fans at ng taga-showbiz.
Paano ba naman kung kailan pa siya buntis at malaki na ang kanyang tiyan ay saka pa naisipan magpa-pictorial ng topless na pantalon lang ang suot. In fairness, ay maganda at hindi bastos ang kuha dahil sinamahan pa siya ng kanyang mister sa pictorial na si Erwan Heussaff.
“2020 is going to be the best chapter of our love story Mon amour @erwan. I just know it. Happy New Year from The Heusaffs everyone.
“PS – yes, this includes dirty diapers, late nights, loud crying. Hiccups, little giggles and little kisses, everything. We got this,” caption ni Anne.
Makikita sa black and white pictorial nilang mag-asawa na nakaupo si Erwan na kung saan nakapatong sa kanya si Anne na kapwa sila nakata-gilid.
Kahit nakatagilid ang kuha ay masisilayan ng bahagya ang gilid ng isang breast ni Anne na natatakpan ng kanyang braso. Si Erwan naman ay kitang-kita ang fit ng katawan na tanda ng puspusan pangangalaga ng kanyang ka-machohan.
Napakaganda ni Anne sa pictorial kahit buntis na tanda na isang babae nga ang kanyang isisilang sa susunod na buwan. Natural ang saya-saya at tuwang-tuwa ang mga kaibigan at kanyang fans.
“You are going to be a wonderful & beautiful mama!” say ni Kris Aquino.
“The best ever!” say naman ng kanyang younger sister na si Jasmine Curtis-Smith.
Ang tanong ng masa ay sino kaya sa kanila ang kamukha ng kanilang panganay na anak?
PELIKULANG HUMAKOT NG AWARDS KULELAT PA RIN SA TAKILYA
SORRY to say, walang naging epekto ang pagkakapanalo ng award ng mga pelikulang kulelat sa takilya na entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019, dahil hindi pa rin naging sapat ang pagkakapanalo nila ng award para panoorin na rin sila ng mga moviegoers sa mga sinehan.
Mapapansin din na mahina ang pasok sa takilya ng mga pelikulang kalahok sa taunang festival kumpara sa nakaraang MMFF 2018 entry movie.
Kapansin-pansin din na tila nagsawa na ang mga moviegoer sa mga comedy na ginagawa ni Vice Ganda at iba pa para sila panoorin sa mga sinehan.
Walang duda na patok sa takilya ang movie ni Aga Muhlach na kahit adaptation ito ng Korean series ay mas pinanood ito kumpara sa movie ni Vice na tuwing MMFF ay laging nangunguna sa takilya.
Masakit man pakinggan ay dapat sigurong tanggapin ng mga tao sa likod ng movie ni Vice na wala raw kuwenta ang pagkakagawa ng istorya nito.
Mas maganda pa nga raw ang entry ng movie ni Coco Martin kaysa sa entry movie ni Vice.
Nakalulungkot din sabihin na ‘yung mga entry movie na naghakot ng award sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2019 ay semplang pa rin sa takilya.
Well, sana sa susunod na taunang festival ay matuto na ang mga producer at artista na gumawa ng movie na tama sa panlasa ng Pinoy at tigilan na ang paggawa ng corny movie na wala naman katuturan ang istorya.
Comments are closed.