ANNUAL REPORT NG REGISTERED FOREIGN NATIONALS SA ENERO 2025-BI

INIANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) na magsisimula ang 2025 Annual Report para sa lahat ng rehistradong dayuhan sa Enero.

Lahat ng registered foreign nationals ay kinakailangang personal na mag-report sa BI sa loob ng unang 60 araw ng taon at magsumite ng kinakailangang dokumento para sa Annual Report.

Kasama sa mga dapat mag-report ang mga dayuhang nagtatrabaho, naninirahan at nag-aaral sa bansa na may ACR I-Cards.

Ayon kay Atty. Jose Carlitos Licas, Jr., BI Chief Alien Registration Division, maaaring gami­tin ang online platform ng  bureau sa e-services.immigration.gov.ph para sa serbisyong ito.

Ang pisikal na Annual Report ay isasagawa sa tanggapan ng BI sa ika-4 na palapag ng Center Atrium, Robinsons Manila, at sa Government Service Express (GSE) Unit ng SM Mall of Asia mula Lunes hanggang Biyernes, maliban sa mga pista opisyal mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.

Bukod sa dalawang mall, maaaring mag-report ang mga dayuhan sa iba’t-ibang opisina ng BI sa buong bansa.

RUBEN FUENTES