TANONG: Doc Benj, ano-ano po ang dapat kong paghandaan para sa business ngayong bagong taon?
Sagot: Tamang magplano at maghanda para sa bagong taon lalo na patungkol sa business. May mga bagay ka na ngayon mo palang ihahan-da at may mga bagay na dapat sana ay sa huling quarter last year mo pa pinaghandaan para mas mahabang preparations ang nagawa mo. Mag-bibigay ako ng ilang puntos at sana ay maihabol mo pa at mapaayos mo ang iyong negosyo.
- Year-end Reports – Ito ang mga report na dapat mong gawin para ma-analyze mo ang naging bunga ng nakaraang taon sa iyong negosyo. Ikaw ba ay kumita o nalugi. Mahalagang maikumpara mo rin ang nakaraang taon sa mga nauna pang taon para mas maunawaan mo ang mga mabubuting nangyari sa ‘yo o ‘yung mga dapat mong iwasan sa darating na panahon. Dapat mayroon kang income statements o ‘yung report na malaman mo ‘yung kabuuang benta mo at ibawas ang mga gastos. Alamin kung kumita o nalugi at ano ang dahilan. Mayroon ka ring dapat statement of financial status o ang tawag noon ay balance sheet. Ito ang magsasabi sa iyo ng status ng ari-arian mo, mga pinagkakau-tangan at natitirang capital na bunga ng iyong investments at kinita ng business sa mga nakalipas na taon. Ang mga report na ito ay magagamit mo sa pag-strategize sa future. ‘Yung iba ay gumagamit pa ng statement of cash flow o ito ‘yung report ng naging cash in at cash out ninyo para malaman mo kung kaya mo bang bayaran ang mga paparating na gastos o liquid ba ang business mo.
- BIR –Humingi ng tulong sa accountant na nasa public practice para magabayan ka at kung kailangang magpasa ng Audited Financial Statements na pirmado ng isang accredited CPA. Ilan sa mga dapat ipasa ay ang Annual Income Tax Return (ITR) na may kasamang Financial Statements, mga summary o list ng withholding taxes ng binayaran kasama ang compensation, withholding taxes na ibinayad naman para ‘yo, maghanda ng form 2316 para sa empleyado, inventory report, nakabayad ka rin dapat ng annual registration, summary ng list ng purchases at sales kung kailangan at iba pa. Maaari mo itong matanong sa mga BIR officer o ‘di kaya ay magpatulong ka sa aming kompanya.
- Business Permits – Bukod sa renewal ng annual registration sa BIR, kailangan mo ring i-renew sa inyong barangay at local government ang inyong permit (lahat ng permit sa inyong city hall). Alamin din kung kailangang mag-renew ng DTI (kung sole-proprietor) or may ipapasa sa SEC (kung corporation). Siguraduhin ding updated ang mga bayarin sa government para sa employees contributions sa SSS, Philhealth at Pag-ibig.
- Strategies – Ito ang isang area na sana ay matagal mo nang pinag-isipan dahil ngayong bagong taon ay dapat handa kang i-implement ito. Maraming nakakalimot na gawin ito dahil sa pagpapalagay nilang kikita naman ang kompanya. Pero mahalaga itong nare-review at nag-iisip ng mga dapat baguhin o i-improve sa business kahit maliit o malaki para mas makita ang kahaharapin ng negosyo. Dito mo dapat maiisip kung palalakihin ang business at hindi ‘yung suntok sa buwan lang kuna lalaki ba ang negosyo. Alamin ang kahinaan at mga banta sa iyong negosyo at aralin na kung paano mapapalakas at malalabanan ang mga negatibong banta. Magandang sinusubukan mong alalahanin ang lahat ng posibleng pangyayari ng business at ano ang iyong magiging tugon sa anumang magiging pagkakataon. Dito rin mgandang inihahanda ang budget-ing mo sa susunod na taon o ‘yung plano mong mga gastos at itugma sa target mong mabenta at malaman mo kung talagang kikita. Mahalaga ito para malaman mo kung epektibo ang iyong mga naging plano at hindi ka lang naghihintay kung may bibili sa ‘yo at sa halip ikaw ang nag-mamaneho ng negosyo mo. Mag-set ng goals buwan-buwan para mas madaling maka-analyze.
- Marketing Promotion – Unawain kung anong mga activities ang dapat gawin para mas ma-promote o makilala ang iyong negosyo. Ano ang status ng negosyo mo kumpara sa ibang kalaban mo sa negosyo. Paano ka makakakuha ng tapat na mamimili at paano mo sila mapananatiling loyal na customers. Alamin ang tamang target na customers at paano mo sila mabebentahan. Ngayong bagong taon, maaari kang maglabas ng bagong mukha ng produkto mo, bago at mas maaayos na pamamalakad o proseso na ikatutuwa ng customers.
- Re-capitalization – Sa umpisa ng taon, dapat mong maisip kung kailangan mo ba ng mga bagong makinarya, equipment o anumang malalaking pagbili ng gamit o ari-arian na magagamit mo sa pagpapalago ng business. At alamin kung paano mo ito mabibili, kailangan mo bang mangutang sa bangko o maghanap ng ibang gustong mag-invest sa business mo. Ang pagbili ng malalaking kagamitan o ari-arian ay nakadepende din sa iyong magiging strategy at kapasidad na bumili.
- Renewed Relationships –Bagong taon, bagong buhay, ika nga, ng marami kaya samantalahin ang bagong taon na maiayos ang iyong mga relasyon sa customers, business partners, suppliers at sa community. Bigyan mo sila ng bagong pananaw sa iyo na ikaw ay nagbago para sa ikabubuti at magugustuhan nilang makipag-transaction sa inyo. Ito ang panahon para bumangon. Magpatawad, humingi ng tawad at magkaroon ng bagong positibong pananaw.
Mahalagang isipin na ang bagong taon ay bagong pagkakataong maiayos ang mga bagay-bagay at magkaroon ng bagong pag-asa para sa negosyo.
Para sa mga ilan pang katanungan, maaari ninyo akong ikonsulta, i-email ninyo ako sa [email protected]. Kung may pangan-gailangan sa Accounting, Taxation, Audit o anumang business-related, matatawagan ninyo ako sa 0917-876-8550. Isang Mapagpalang Bagong Taon po sa ating lahat!
Si Doc Benj ay isang consultant sa business, professor at CPA.
Comments are closed.