ANOMALYA SA TUPAD, DOLE EXEC NIRECALL

NAG-ISYU ng recall order ang Department of Labor and Employment sa field officer nito sa Quezon City upang panatilihing maayos ang pangunahing programa ng pamahalaan na cash-for-work.

Ginawa ang hakbang matapos makatanggap ng reklamo hinggil sa mga iregularidad sa pagpapatupad ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa ilang distrito ng lokalidad sa Quezon City.

Kinilala ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang field officer na si Atty. Joel P. Petaca ng DOLE-National Capital Region Office. Iniutos ni Bello ang recall order upang siya ay makapagbigay liwanag sa nasabing kontrobersiya.

“Gusto kong alamin kung bakit pinayagan niyang mangyari ang ganitong problema sa implementasyon ng TUPAD sa Quezon City. Dapat ay binabantayan niya ang programa ng ating kagawaran. Naging pabaya ba siya?” paliwanag ni Bello sa ginanap na paglulunsad ng ‘Bikecination’ at iba pang pangunahing proyektong pangkabuhayan ng DOLE sa lungsod ng Pasay nitong Martes.

Una rito, nagreklamo ang mga residente ng Quezon City na hindi nila natanggap ng buo ang sahod bilang benepisaryo ng programang “cash for work” sa ilalim ng TUPAD. Ipinaabot din sa kaalaman ng mga awtoridad ang ulat na may ‘ghost beneficiaries’ ang programa.

Ayon kay Bello halos tapos na ang DOLE sa pagsisiyasat tungkol sa bagay na ito. Naghihintay na lang din aniya sila sa pormal na ulat tungkol sa ginawang imbestigasyong ng National Bureau of Investigation (NBI).

“Kapag naisumite na ang lahat ng report, pananagutin natin ang lahat ng indibidwal na nasa likod ng iregularidad na ito,” pahayag niya. PAUL ROLDAN

6 thoughts on “ANOMALYA SA TUPAD, DOLE EXEC NIRECALL”

  1. 509292 218714Aw, i thought this was quite a excellent post. In concept I would like to devote writing such as this moreover – spending time and actual effort to produce a terrific article but exactly what do I say I procrastinate alot by no means manage to get something done. 957359

Comments are closed.