SA Oktubre 18, Biyernes, ipe-present ng delegasyon ng Pilipinas ang “Success Stories in the World of New Adult and Fantasy” kasama sina Mina Esguerra (manunulat, founder ng RomanceClass) at Anissa de Gomery, at si Gaston Rippinger bilang moderator.
Sa parehong araw, tampok din ang “Women and Publishing in Asia” kasama sina Danda Crimelda Buhain (Rex Education), Katrina Stuart Santiago (CEO, Everything’s Fine), Mina Esguerra, at Charisse Aquino-Tugade (Executive Director, NBDB), bilang moderator.
Sa parehong araw, Oktubre 18, magaganap naman ang “The Art of Trese: From Comics to Animé” kasama si Budjette Tan (may-akda ng Trese) at si Paolo Herras bilang moderator. Ang “Translations: A One-Way Street?” ay magtatampok naman kina Annette Hug (tagasalin), Hope Yu (University of San Carlos), Jan Karsten (CulturBooks), Yani Kurniawan, at Kristian Cordero (manunulat at tagasalin) bilang moderator. Ito ay tampok pa rin sa parehong araw, Biyernes.
Nais kong ipaabot ang aking mainit na pagbati sa mga Pilipinong kalahok ngayong taon at hangad ko ang tagumpay ng lahat sa paghahanda para sa mga programa ng bansa bilang guest of honor sa susunod na taon, 2025.
***
Samantala, ngayon ang huling araw ng 4 na araw 9-Ball Reyes Cup Tournament na kasalukuyang ginaganap sa Maynila sa kauna-unahang pagkakataon. Magkalaban ang Team Asia, sa pangunguna ni Efren “Bata” Reyes bilang (non-playing) team captain, at Team Europe, sa pangunguna naman ni Karl Boyes.
Habang isinusulat ko ito, kakatapos lamang kagabi ng ikalawang araw ng Reyes Cup. May pitong panalo na ang Team Asia, apat na lamang ay tapos na ang race-to-11 na tournament. Kung makukuha ng Team Asia ang panalo ngayong araw, Huwebes, ay hindi pa sigurado kung ano ang magaganap sa huling araw, Biyernes, o kung makakansela na ang araw na ito mula sa schedule ng tournament.