ANO’NG MERON SA FRANKFURT?

Mula Oktubre 16 hanggang 20, 2024, gaganapin ang Frankfurt Book Fair (German: Frankfurter Buchmesse) o FBM sa Frankfurt, Germany.

Ito ang pinakamalaking trade fair para sa mga aklat sa buong mundo, batay sa bilang ng mga publishing companies na kasali rito. Ginaganap ito taon-taon sa loob ng limang araw tuwing Oktubre.

Ngayong 2024, ang bansang Italy ang guest of honor. Sa susunod na taon, Pilipinas naman. Nasa book fair ang Pilipinas ngayong taon, dala-dala ang komprehensibong programang pampanitikan at ating delegasyon na binubuo ng mahigit 70 na mga manunulat, publishers, at mga manlilikha upang bumuo ng ugnayan sa industriya at isulong ang ating lokal na panitikan. Ang paghahanda para sa partisipasyon ng bansa ay pinangungunahan ng National Book Development Board (NBDB), na siyang gumawa rin ng rights list para sa mahigit 700 na mga aklat mula sa iba’t-ibang genres upang mapasigla ang pagbebenta ng translation rights at ipakilala ang mga gawa nating mga Pilipino sa buong mundo.

Narito ang ilan sa mga pangunahing programa na inihanda ng Pilipinas para sa unang tatlong araw ng book fair sa Germany ngayong taon:

Sa Oktubre 16, Miyerkules, tampok sa Asia Stage ang “What Asia Reads: A Deep Dive into Trends” kasama sina Kristine Mandigma (Vibal Group), Faiz Al Shahab (Co-Founder Xentral Me­thods Ltd, Malaysia), at ang mode­rator na si Niel Kenneth Jamandre (Propesor, Unibersidad ng Pilipinas). Sa parehong araw at entablado, itatanghal ang “Overview of Book Markets in Asia” kasama sina GeumJoo Lin (CO.MINT), Sheikh Faisal (Malaysian Book Publishers Association), An­drea Pasion-Flores (Miflores Publishing), Pranav Gupta (India), at Yani Kurniawan (Tuttle-Mori Agency), at ang moderator na si Anthony John Balisi (Direktor, NBDB).

(Itutuloy…)