ANTHONY JENNINGS GINAWANG KONTRABIDA

Pwede naman talagang kasuhan nina Maris Racal at Anthony Jennings ang ex-girlfriend na si Jamela Villanueva pero bakit pa? It could have been the last nail of the coffin. Nagka­kagulo na nga, palalalain mo pa, e may kasalanan din naman sila.

It’s a bad publicity, but at the same time, sumikat silang dalawa ng husto. Parang Kathniel o Kimerald noon. Bongga!

Hindi rin naman natin masisisi si Jamela. Sabi nga nila, Hell hath no fury like a woman scorned. Ikaw na naman ang i-cheat, matutuwa ka? Daming makaka-relate dito.

But the point is, mabuti nga, ngayon na nag-cheat, at nahuli agad. Wala pang gaanong emotional involvement. Once a cheater always a cheater. Kung nakalusot si Anthony, aba, magtsi-cheat uli ‘yan.

Si Maris naman, kaganda mong bata, pumayag kang maging Number Two? Nga­yon, affected ang movie ninyo at gusto pa kayong ipatanggal sa pelikulang And The Breadwinner Is…

Naman! May time pa ha? Two weeks na lang, Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kahit nga si Unkabogable Superstar Vice Ganda, ayaw ipatanggal sina  Maris at Anthony sa cast.

Saka nag-apologize na, ano pa ang gusto nyo? Kontrabida na nga ang two-timer na si Anthony, di ba?

Manahimik na ang mga Marisol (mahilig magsulsol) at wala naman kayong maitutulong.

RLVN