KASABAY ng pagbubukas ang klase sa pampubliko at mga pribadong paaralan kahapon, pinaigting ng La Union Provincial Police Office ang kampanya kontra panlalait at pananakot o bullying sa mga paaralan.
Sinabi Chief Insp. Silverio Oridinado, relations officer ng provincial police station, layunin ng pulisya na maprotektahan ang mga estudyante mula sa mga anila’y mayayabang at mapang-aping kabataan na nangunguna sa pambu-bully sa mga paaralan.
Hinimok din ng opisyal ang mga mag-aaral na agad lumapit sa kanilang mga pulis para mabigyan ng disiplina at aral ang mga sigang estudyante.
Nagtalaga na rin ng police assistance desk ang awtoridad sa bawat paaralan. CAMILLE BOLOS
Comments are closed.