ISINAGAWA ng Philippine Sports Commission-Philippine National Anti-Doping Organization (PSC-PHI-NADO), sa pakikipagtulungan ng Philippine Olympic Committee (POC), kamakailan ang ‘virtual seminar’ hingil sa Anti-Doping Regulations para sa mga atletang sasabak sa Tokyo Olympics sa Japan.
Pinangunahan ni Dr. Alejandro Pineda, Jr., PHI-NADO head at Director ng Southeast Asia Regional Anti-doping Organization (SEA RADO), ang pagtalakay at paghimay sa mga kaalaman na kailangang gawin ng mga atleta at coach sa aspeto ng anti-doping bago at matapos ang kompetisyon.
Nakatakda ang Tokyo Games sa Hulyo 23 hanggang Agosto.
Dumalo at nakiisa sa talakayan ang mga atleta at coach ng Philippine delegation sa Tokyo Games, kabilang sina pole vaulter EJ Obiena at skateboarding Margilyn Didal. Sa kasalukuyan ay17 atleta mula sa 11 sports — Athletics, Boxing, Golf, Gymnastics, Judo, Rowing, Skating, Shooting, Swimming, Taekwondo at Weightlifting – ang kuwalipikadong lumaro sa quadrennial Games.
“Malaking bagay po ang ganitong semimar para aware po kami sa mga dapat naming iwasan na kainin at inuming supplement. Kailangan po talagang alam namin na hindi kami dapat basta umiinom lang ng vitamins at supplement without consulting our coaches, officials at expert sa PHINADO,” pahayag ng 23-anyos na Cebu pride na si Didal.
Nagbigay ng kanyang opening remarks sa seminar si Philippine delegation to Tokyo Olympics Chef de Mission at Philippine Football Federation President Mariano Araneta.
Binigyang-diin ni Dr. Pineda ang listahan ng mga ipinagbabawal na gamot at substance na inilabas para sa 2021 Olympics, gayundin ang Code and International Standards, Doping Control Process, Registered Testing Pool at Therapeutic Use Exemptions.
“Education is the best and most effective tool in disseminating information drive about Anti-Doping,” sambit ni Pineda.
Aniya, ang pagiging responsible ang pinakamabisang armas ng isang atleta upang makaiwas na maging biktima .
“Sa Principle of Strict Liability: YOU, and only YOU, are responsible for what goes into your body,” pahayag ni Pineda.
Puspusan na ang paghahanda at ensayo ng mga atletang Pinoy na patungong Olympics. Bukod kina Obiena at Didal, nagkuwalipika rin para bigyang katuparan ang pangarap ng Filipinas para sa kauna-unahang gintong medalya sina 2016 Rio Olympics weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz; lifter Elreen Ando; gymnast Carlo Yulo; boxers Eumir Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam; rower Cris Nievarez; taekwondo jin Kurt Barbosa; shooter Jayson Valdez; judoka Kiyomi Watanabe at sprinter Kristina Knott.
Inaasahang mabibigyan din ng slots via universality sina swimmers Luke Gebbie, James Deiparine at two-time Olympian Jasmine Alkhaldi. EDWIN ROLLON
858639 123609Great beat ! I wish to apprentice even though you amend your website, how could i subscribe for a weblog internet site? The account aided me a acceptable deal. I had been just a little bit acquainted of this your broadcast provided bright clear notion 927755
436934 62121hello i discovered your post and thought it was really informational likewise i suggest this website about repairing lap tops Click Here 541310
440575 145519I see something genuinely unique in this site . 354482
349198 870408Wow i like yur internet site. It genuinely helped me with the information i wus searching for. Appcriciate it, will bookmark. 335280