(Anti-illegal drugs at anti-criminality ops magpapatuloy) PNP OPERATIONS VS REBELDE NAKA-FREEZE

Archie Gamboa4

CAMP CRAME – INANUNSIYO ni Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge, Lt. Gen. Archie Gamboa na kaniya nang idi-neklara ang Suspension of Offensive Police Operation (SOPO) laban sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army  at sa National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) epektibo alas-11:59 (Disyembre 23)  hanggang 11:59 ng hatinggabi ng Enero 7, 2020.

Ang deklarasyon, ayon kay Gamboa ay bilang pagtugon ng PNP sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng SOPO declaration, ang lahat ng police units ay hindi magsasagawa ng combat police operations laban sa NPA.

Gayunman, pagli­linaw ni Gamboa na hindi sakop ng SOPO ang normal police law enforcement at public safety operations labal sa mga kriminal, illegal drugs and terrorism.

Magpapatuloy rin aniya ang pagsisilbi ng warrants of arrest, search warrants, at iba pang judicial processes; gayundin ang enforcement of laws na nagbabawal sa pagdadala ng armas, pampasabog at iba pang illegal items.

Pinayuhan din ni Gamboa ang lahat ng tauhan na maging mapagbantay at gawin ng tama ang kanilang tour of duty upang maiwasan ang anumang untoward incident na magreresulta  ng kaguluhan sa mga bahay-bahay at mula sa criminal organizations.

Una nang inilagay sa full alert ng PNP ang kanilang puwersa sa Luzon at Visayas para ma­tiyak na handang rumes­ponde ang  mga tauhan nito sakaling may mga emergency.

Hindi naman kasama sa full alert ang Mindanao dahil nasa ilalim pa rin ito ng Martial Law.

Paglilinaw naman ni Gambooa na ang anim na PNP units sa nasabing rehiyon ay nasa alerto bilang suporta sa Armed Forces of the Philippines (AFP). EUNICE C.

Comments are closed.