DAPAT munang maresolbahan ang apat na importanteng isyu para masiguro ang tagumpay na pagsasagawa ng selection process para sa bagong telecommunications player at ang pagpapanatili nito, lahad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kamakailan.
Sumang-ayon ang Oversight Committee na binuo sa ilalim ng Administrative Order 11, na pag-usapan ang mga pangunahing bagay na ito, pakli ng DICT.
“Once these major issues have been fully resolved, the draft Terms of Reference (TOR) will be revised, if necessary, and shall at once be published to gather comments and inputs from all stakeholders,” paliwanag ni DICT Acting Secretary Eliseo M. Rio sa isang pahayag.
Sa isang meeting nitong Lunes, pinag-usapan ng Oversight Committee ang mga sumusunod na major issues: Mga bagay na tulad ng frequency spectrum na dating iginawad sa BayanTel; pagpapagawa ng polisiya sa common communications tower; komersiyalisasyon ng National Grid Corporation of the Philippines-Transco dark fiber; pagpapababa ng interconnection rates.
“Once these major issues have been fully resolved, the draft Terms of Reference (TOR) will be revised, if necessary, and shall at once be published to gather comments and inputs from all stakeholders,” ani Rio.
“We will leave no stone unturned in providing better telecommunications services to the Filipino people at the soonest time possible,” sabi niya.
Maliban sa DICT, ito ay binubuo ng Oversight Committee ng Department of Finance, Office of the Executive Secretary, at ang National Security Adviser.
Naroon din sa meeting na ginanap kamakailan ang mga representative mula sa National Telecommunications Commission, Philippine Competition Commission, at ang Office of the Solicitor General.
Nagbigay sila ng kani-kanilang saloobin tungkol sa iba’t ibang isyu, pahayag ng DICT.
Comments are closed.