APAT NA MARIA TIMBOG SA DROGA

shabu

TIMBOG ang apat na matandang babae sa illegal na droga habang ang dalawa sa mga ito ay naaktuhang sumisinghot ng shabu ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Kinilala ni P/Capt. Fernildo de Castro, chief ng SDEU, ang mga nadakip na sina Emma de Leon, 55-anyos; Teresita de Leon, 56- anyos, Lolita de Leon, 58- anyos at Edna Matsuda, 56-anyos,  kapwa mga nakatira sa #111 Dela Paz St., Brgy. San Roque sa lungsod.

Nabatid na dakong alas-9 ng gabi isinagawa ang buy-bust operation ng mga awtoridad sa bahay ng mga naarestong suspek.

Dalawa sa mga suspek ay nasakote habang abala sa kakasinghot ng shabu at narekober sa mga ito ang 9 na small plastic sachet, isang medium aluminum foil, weighing scale, aluminum foil strip containing traces of suspected shabu, improvised tooter, scissor, pack plastic bag, cellphone at P900 cash at buy bust money.

Ayon sa mga awtoridad, tinatayang 18 gramo ng droga ang kanilang nakumpiska na nagkakahalaga ng P122,400.00.

Nakapiit na ang apat  suspek sa detention cell habang ang mga ebidensiya ay dinala naman sa Crime laboratory para sa chemical analysis. ELMA MORALES

Comments are closed.