APEKTADO NG LPA NASA 1.6M NA

MINDANAO- TUMAAS pa ang bilang ng mga apektado sa nagpapatuloy na LPA na halos nasa 451,000 pamilya o katumbas ng 1.6 milyong indibidwal ang naitala .

Nagmula ito sa higit 800 brgys sa Davao region, Soccsksargen, CARAGA region at BARMM.
Dahil dito, malaki pa rin ang bilang ng mga pamilyang nananatili sa evacuation centers.

Base sa talaan ng DSWD, mayroon pang 5,000 pamilya pa o katumbas ng halos 19,000 indibidwal ang nananatili sa evacuation center.

Tuloy tuloy naman ang paghahatid ng tulong ng DSWD na sumampa na rin sa higit P189-milyon ang naipaabot sa mga LGU na apektado.

Nananatiling nakahanda rin ang nasa P3 bilyong halaga ng stockpile at standby funds ng DSWD para tumugon sa pangangailangan ng mga apektadong residente. P. ANTOLIN