(Apektado sa MECQ) 1M DINE-IN SERVICE WORKERS

Ramon Lopez

NASA isang milyong dine-in service workers ang apektado sa umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan , ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.

Bukod dito, sinabi ni Lopez na may 200,000 trabaho rin ang nawala sa personal care services.

Sa ilalim ng MECQ ay ipinagbabawal pa rin ang dine-in at personal care services.

Ginawa ni Lopez ang pahayag kasunod ng pagpapalawig sa MECQ sa Metro Manila hanggang September 7.

Mananatili rin ang MECQ sa mga lalawigan ng Apayao, Ilocos Norte, Bulacan, Bataan, Cavite, Rizal, Laguna, at Lucena City.

Pinapayagan naman ang non-essential retail trade establishments tulad ng clothing and accessories, jewelry, flower, novelty, antique, perfume shops, toy stores, music stores, art galleries, at firearms and ammunition stores sa 50% venue capacity sa ilalim ng MECQ.

Ang manufacturing activities — electrical machinery, wood products and furniture, textiles, paper products, rubber and plastic products, refined petroleum products, electrical equipment, motor vehicles at  transport equipment — na hindi pinapayagan sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ay maaaring mag-operate sa 50% capacity sa ­ilalim ng MECQ.

6 thoughts on “(Apektado sa MECQ) 1M DINE-IN SERVICE WORKERS”

  1. 933485 610994Awesome material you fellas got these. I actually like the theme for the website along with how you organized a person who. It is a marvelous job For certain i will come back and have a look at you out sometime. 397365

Comments are closed.