(Apela ng broiler raisers kay PBBM)CHICKEN IMPORTS BAWASAN

CHICKEN MEAT

HUMILING ang United Broiler Raisers Association (UBRA) ng diyalogo kay Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na siya ring kalihim ng Department of Agriculture (DA), upang iparating ang kanilang mga suliranin at rekomendasyon para sa local poultry industry.

Sa isang panayam sa Dobol B TV noong Sabado, sinabi ni UBRA chairman Gregorio San Diego, na pinamumunuan din ang Philippine Egg Board Association, na nagbawas ng produksiyon ang local poultry sector dahil sa pagbaha ng chicken imports, na sinasabing magpapababa sa presyo ng manok.

Ayon kay San Diego, ang pagdagsa ng imports ang pumigil sa local producers na sa huli ay nakaapekto sa local supply.

Aminado naman si San Diego na hindi maaaring tuluyang itigil ang importasyon dahil sa mababang suplay.

“Ang sitwasyon kasi natin ngayon hindi naman natin kara-karaka itigil, kasi umatras ang local production ngayon eh,” aniya.

Ayon pa kay San Diego, irerekomenda nila sa Pangulo na i-recalibrate ang pag-angkat.

“‘Yung importasyon a little lower sa kailangan para ma-incentivize ang local production. Bawasan nang kaunti at magdagdag paunti-unti ang local production,” dagdag pa niya.