(Apela ng doctors’ group) HOTELS GAWING TEMPORARY HOSPITALS

Maricar Limpin

NANAWAGAN ang isang grupo ng mga doktor kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-convert ang mga hotel bilang temporary hospital facilities sa gitna ng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni Philippine College of Physicians Vice President Dr. Maricar Limpin sa CNN Philippines na ang mga converted facilities sa Metro Manila, na maaaring pangasiwaan ng healthcare workers na ipinadala mula sa ibang mga rehiyon, ay makatutulong para ma-accommodate ang mas maraming COVID-19 patients na may mild hanggang moderate cases at maibsan ang paghihirap ng mga ospital na tumatanggap na ng severe cases.

“Kami sa Philippine College of Physicians, we already wrote to the President. We are recommending maybe kailangang i-transform ‘yung hotels into a health facility,” sabi ni Limpin sa CNN Philippines’ New Day. “Yung mga manggagaling [na augmentation healthcare workers] outside of Metro Manila, papuntahin doon at sila ‘yung mag-man.”

“The [converted] hospital facility will admit mild to moderate cases of COVID-19, lalo na ‘yung mga elderly para mabawasan ‘yung dami ng pasyente na pupunta sa hospitals,”dagdag pa niya.

Isiniwalat ni Limpin ang sitwasyon sa ilang ospital sa Metro Manila na umabot na sa kanilang  full capacity.

“Excuse me for saying this pero ‘yung mga emergency room namin sa ospital parang palengke na…marami sa amin hindi na sila (pasyente) kaya halos papuntahin pa sa iba kasi alam din naming hindi rin sila matatanggap sa iba,” aniya.

Nauna nang sinabi ni Health Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega na ang hospital referral system ng pamahalaan, ang One Hospital Command, ay inuulan ng tawag dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga nakalipas na linggo.

3 thoughts on “(Apela ng doctors’ group) HOTELS GAWING TEMPORARY HOSPITALS”

Comments are closed.