PINAKAKALMA ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko matapos ang pagtama ng malakas na lindol sa Mindanao region.
Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na iwasang magkalat ng mga hindi beripikadong impormasyon na maaaring magdulot ng alarma at panic sa mga apektadong komunidad.
Hinimok din nitong maging alerto ang publiko sa inaasahang aftershocks.
Siniguro naman ni Panelo na nakatutok sa pagbabantay sa sitwasyon ang gobyerno sa pamamagitan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Phivolcs.
Pinarerespondehan na rin sa lahat ng ahensiya ng gobyerno ang mga apektadong lugar.
Samantala, nasa kanyang tahanan lamang sa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte nang tumama ang Magnitude 6.9 na lindol sa Mindanao.
Kasama ng Pangulo sa bahay ang anak na si Kitty habang ang partner naman na si Honeylet Avanceña ay pauwi na nang yumanig ang lindol.
Tiniyak ni Panelo na maayos ang kondisyon at walang nasaktan sa pamilya Duterte.
Wala ring naitalang sira sa bahay ng Pangulo.
Dakong alas-2:11 nang tumama ang Magnitude 6.9 na lindol sa Matanao, Davao del Sur.
Comments are closed.