BUHAYIN ANG ANTI-SUBVERSION LAW!

Benigno Durana Jr

CAMP CRAME – NANAWAGAN ang Philippine National Police (PNP) sa mga mambabatas na buhayin at ipairal ang Anti-Subversion Law (ASVL) at nanindigan na kanilang susuportahan ang posisyon hinggil dito ng Department of the Interior and Local Government (DILG) upang wakasan ang limang dekada o 50 taon na communist insurgency sa bansa.

Sa pahayag ni PNP Director for Police and Community Relations, Police Major Gen. Benigno Durana Jr., napapanahon ang pagdinig sa Senado  para buhayin ang ASVL lalo na’t nagiging talamak na naman mga banta ng mga komunistang terorista o Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa seguridad.

“There is a clear and present danger posed by the CPP-NPA and the front organizations that support it,” ayon kay Durana.

Aniya, ang mga komunistang teroristang grupo ay salot na nakakilos dahil sa suporta ng kanilang legal front organizations.

“They will continue to use the law to circumvent or violate the law using democracy to destroy democracy,” dagdag pa ni Durana.

Sa kanyang pinakahuling pahayag, sinabi ni PNP Chief, PGen. Oscar David Albayalde na ang pagbuhay sa ASVL ay kampanya ng pamahalaan para wakasan ang inihahasik na karahasan ng CPP/NPA.

“We fully support the DILG to restore the anti-subversion law to outlaw the Communist Party of the Philippines, the political arm of the terrorist New People’s Army,” ayon kay Albayalde. EUNICE C.

Comments are closed.