NANAWAGAN na rin ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez sa Department of Finance (DOF) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na palawigin ng 30 araw ang deadline ng paghahain ng 2020 income tax return
Ang deadline ng ITR filing ay nakatakda sa Abril 15.
Giit ni Rodriguez, dahil sa pandemya at sa kasalukuyang mahigpit na lockdown at polisiya ay hindi basta makalabas ng bahay ang mga tao kaya marapat lamang na bigyan pa ng sapat na panahon ang mga taxpayer na makapagbayad ng kanilang mga buwis.
Posible rin, aniya, na may sakit o nahihirapan ang ilang tax filers at kahit gustuhin man na personal na maghain ng ITR ay pahirapan naman sa mga ito ang pagkakaroon ng ligtas na transportasyon.
Katuwiran pa ng kongresista, imposible rin para sa iba na makapaghain ng ITR sa online dahil ang ibang mga dokumento ay nasa mga opisina kung saan ang ilan ay sarado dahil naka-lockdown.
Dagdag pa ni Rodriguez, ilan sa mga BIR office at bangko ay sarado rin dahil sa disinfection at sa ipinatupad kamakailan na enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus. CONDE BATAC
991272 586556Over and more than once again I think about these concern. As a matter of fact it was not even yesterday that I last thought about it. To be honest, what is your thought though? 561311
173264 937528Just wanna remark on few common things, The website style is ideal, the subject matter is rattling good 419073
262716 13579Its amazing as your other posts : D, appreciate it for putting up. 85406
208209 309064Respect to post author, some great info . 557389