HINIKAYAT ni Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin ang Energy Regulatory Commission (ERC) at National Electrification Ad ministration (NEA) na huwag munang magpatupad ng service dis connection hanggang sa Enero 31, 2021.
Kasabay nito ay umapela si Garbin sa Inter-Agency Task Force (IATF) na atasan ang ERC at NEA na magpatupad ng ‘no disconnection’ hanggang sa katapusan ng Enero ng susunod na taon upang matulungan ang micro-small and medium enterprises (MSMEs) na hirap pa ring makabawi dahil sa pandemya.
Sa halip na putulan ng serbisyo ang mga hindi makakabayad ay inirekomenda ng kongresista na palawigin ang installment payment sa koryente hanggang sa Enero 31 o sa mga susunod na buwan.
Pinakikilos din ng mambabatas ang ERC at NEA na magsagawa ng motu proprio investigation patungkol sa patong-patong na reklamo sa electricity bills, mataas na bayarin, disconnection notices, at power supply interruptions.
Hinimok din ni Garbin ang mga ahensiya na patawan ng parusa ang mga electricity distributor na mananamantala sa kanilang mga serbisyo at polisiya. CONDE BATAC
Comments are closed.