ASAHAN na ang pagtaas sa singil sa koryente sa summer months, ayon sa Energy Regulatory Commission(ERC).
Ito’y matapos ihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kanilang pinag-aaralan kung isasama sa fare discount ang mga UV Express at limitado lang ito sa ilang ruta.
Ani Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services, malaking tulong ang fare discount para pandagdag sa pang-araw-araw na gastos ng isang commuter na patuloy na dumaranas ng mataas na presyo ng mga bilihin.
Iginiit ni Poe na ang pagpapatupad ng diskuwento sa pamasahe ay para sana sa lahat ng PUVs, at lahat ng ruta sa buong bansa ay saklawin ng kautusan na ito.
Anang senadora, sa patuloy na pagtaas ng inflation, ang bawat pisong matitipid ay malaking pantulong sa taumbayan para makabili ng pagkain at mabayaran ang iba pang mga gastusin ng isang pamilyang kulang ang kinikita.
Umaasa si Poe na gagamitin ng Department of Transportation (DOTr) ang resources nito para mapabuti ang transportation sector, gayundin ang kapakanan ng commuters.
Inirekomenda ng Department of Transportation (DOTr) ang pansamantalang pagkakaloob ng fare discounts sa mga commuter na sumasakay sa PUVs kapalit ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel.
Ang inirekomendang discounted fares ay ang kaparehong pasahe sa pre-pandemic at bago ipinatupad ang fare hike.
“Pre-pandemic fare matrix will be applied and the provisional fare increases implemented will be covered accordingly by the government,” pahayag ni DOTr Secretary Jaime Bautista sa memorandum na isinumite kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz III.
Batay sa rekomendasyon, ang minimum fare para sa traditional jeepneys ay magiging P9 mula sa kasalukuyang P12, habang sa modern jeepneys ay P11 mula P14.
Ang posibleng discount para sa bus ay hanggang P4, habang pinag-aaralan pa ng ahensiya ang sa UV Express.
VICKY CERVALES