(Apela sa gobyerno)PAG-AANGKAT, LOKAL NA PRODUKSIYON NG MGA SUPLAY BALANSEHIN

MANOK-BABOY.jpg

NANAWAGAN ang mga prodyuser ng baboy at manok sa gobyerno na balansehin ang pagpapaigting ng lokal na produksiyon at importasyon ng mga suplay para matiyak na hindi maaapektuhan ang mga stakeholder sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay National Federation of Hog Farmers Incorporated President Chester Tan, sa kanilang pagpupulong kasama si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ay napagkasunduan nila na mag-organisa ng isang grupo kasama ang Department of Agriculture (DA) at pribadong sektor para talakayin ang demand at suplay ng nasabing mga produkto.

Paliwanag niya, hindi tutol ang kanilang grupo sa pag-aangkat ngunit dapat aniyang maging makatuwiran ang dami nito para magbigay-daan sa mga magsasaka na kumita pa rin.

Giit naman ng Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) na ang pagbaba ng mga taripa at pagtaas ng import volume para sa iba’t ibang bilihin ay dapat magpababa ng mga presyo at makapagpabagal sa inflation.

DWIZ 882